Forty-Six

265 5 4
                                    

Chapter 46.

Just Talk.


"Anak! Maganda 'to--" Mama was cut off sharing her thoughts when she realized who I am with. "Carson... hijo, nandito ka pala?" wala talaga siyang ideya sa pagdating ng kasama ko.


I heaved a sigh and did not bother to look at them. Tuloy-tuloy lang akong pumili.


"Uh... pinasa ko na muna ang mga trabaho sa kapatid ko,"


"Pero kailan ka dumating?"


Rinig na rinig ko pa ang pag-uusap nila pero 'di na ako nag-atubiling pakinggan sila. Sa inis at gulat ay wala na akong pakialam kung ano ang napipili kong baby stuffs. Sumasakit ang ulo ko lalo na 'pag nasusulyapan ko si Carson na parang buntot na sunod nang sunod sa 'kin.


My jaw clenches so I rolled my eyes.


Pagdating naming tatlo sa counter ay may black card nang nakalahad sa kamay niya. I glared at him.


"Let me pay for it." he softly said.


"Ano'ng tingin mo sa akin? Walang pera?" naramdaman ko ang paglipat-lipat ng tingin ng cashier sa aming dalawa. "Miss, please don't accept that filthy card. Gamitin mo 'yung akin."


I heard how he heaved a sigh but I am persistent. May sapat akong pera para bilhan ng mga gamit ang kambal ko. I don't need him here. No one needs him so he can go home anytime he wants.


Napapairap ako sa naisip. Narinig kong kadarating niya lang at kawawa naman yata siya kung pauuwiin ko kaagad?


"Daddy!" hiyaw ni Maxi nang makita ang ama niya paglabas namin ng store.


Binuhat agad siya ni Carson. "How's my baby? Hmm?" malambing na tanong niya at humagikhik naman si Maxi. Hindi ko sila matingnan dahil abala ako sa pagtsi-check sa mga nabili.


"Did you know, Daddy? I will have baby brothers!"  


Nasulyapan ko ang pagkunot ng noo ni Carson. "Brothers?" nagtatakang tanong niya sabay tingin sa 'kin.


I looked away, pretended that I am not listening to them. Marahan pero wirdong natawa si Mama. "Ah... ano kasi, Carson. Nagpa-ultrasound siya kanina bago kami pumunta rito at ang sabi ng doktor, kambal ang dinadala ng anak ko."


"C-can I... see it?" tukoy niya sa picture ng ultrasound na nasa bag ko.


Kanina ko pa masamang tinititigan si Justine at Laura na alam kong may alam sa pagdating ni Carson. At mas lalo kong napapatunayan na tama ang hinala ko dahil pansin kong panay ang pag-iwas nila sa mata ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at tinalikuran sila.


Thankfully, Zeneth immediately followed me. "Ate Ellie, ayos lang po bah kayo?"


I nodded. "Ayos lang ako,"


"Bakit mo sila... iniwan?" tanong niya. "At mukhang galit ka po."


"Naiinis lang sa biglaang pagdating ng isang epal," paasik na saad ko at napasinghap siya.


"Sabi ni Kent, nagkaayos na raw kayo." huh? Sino'ng may sabi? Si Justine? Ang lalaking iyon! Matapos niyang i-anunsyo na dumating na rito si Carson kanina, sasabihin niya pa na nagkaayos na kami? How dare him! Manganganak yata ako nang maaga dahil sa kaniya!


I did not notice Maxi followed me. Napansin ko lang no'ng hawakan niya na ang kamay ko. She had this question in her eyes on what is wrong, why did I walk without a word.


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now