Twelve

225 6 0
                                    

Chapter 12.

Bakit Galit?

I literally don't know how I went home alone that afternoon. But when I got home, libo-libong butil ng luha ang umagos galing sa mga mata ko. Sobrang sikip ng dibdib ko na para na akong sinasaksak sa sobrang sikip.

Hinabol ko ang sariling paghinga. I should not look like this if Xia and Dianne will arrive here.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nakalma ko na ang sarili pero 'yung luha at singhot ko ay hindi pa rin tumitigil. Nagbihis ako ng komportableng damit at habang nagbibihis ako ay napasulyap ako sa crown sa ibabaw ng drawer.

Akma ko na sana itong itatago sa kung saan nang biglang tumunog sa cellphone ko.

Suminghot ako at sinagot ang tawag.

"Hello?" sumisinghot na tugon ko.

"Hey, you okay there?" nanlaki ang mata ko sa narinig. Napatingin ako sa caller I.D. at halos humiwalay na ang sarili kong kaluluwa sa katawan dahil si Kuya Carson ang tumatawag!

Wala sa sarili akong napatingin sa kalendaryo. Birthday niya na bah ngayon? Kagabi lang sila pumunta dito ni Magnus 'di bah? Teka, ba't ako napapraning? Dapat ay kumalma ako at umakto na parang normal. Hindi abnormal?

"Ayos lang ako, bakit ka napatawag?" pinilit ko ang sarili na magboses normal para hindi niya mahalata.

"Are you crying, Savannah?" tanong niya bigla, binabalewala ang sinabi ko.

Nawalan ako ng salitang sasabihin kaya nawalan ako ng imik. I bit my lower lip and gave myself some thoughts to change the topic but before I could do that, tumikhim na ang kausap ko sa kabilang linya.

What is he going to say?

"What's wrong? Why are you crying?" 'di ko alam pero nanikip na naman ang dibdib ko sa paraan ng pagkakatanong niya. He sounded curious and worried at the same time. "Savannah? Tell me, are you really okay?" mariin akong napalunok.

"I don't want to tell you--" naputol ako sa pagsasalita dahil nabasag na ang boses ko. I cried silently, catching my breathe.

"Don't stop yourself, just cry in there... let it out." he softly spoke at napahikbi na nga ako.

Nailagay ko sa ibabaw ng drawer ang phone at napatakip sa buong mukha. Another set of tears fell to my cheeks. Napaiyak na ako nang malakas. Bumabalik sa isipan ko kung paano ako itrato ng mga magulang ko lalong-lalo na kanina. Alam ko naman eh... alam ko namang walang makakatanggap sa isang tulad ko pero bakit?

Bakit pinamukha niya pa sa 'kin na ganoon ako? I thought I was already a good sister for her but why? Bakit ang sama-sama ko pa rin sa paningin niya?

Iyak ako nang iyak, the pain in my heart is too heavy...

"I-I'm sorry..." saad ko matapos ang ilang minutong pag-iyak. "May nangyari lang k-kasi sa bahay kaya... heto--" suminghot ako. Dali-dali akong kumuha ng tissue para ibahing ang sip-on sa ilong.

"Hmmm... it's okay. If it is personal, I won't interfere." bakit bah ang ganda pakinggan ng boses niya? He already comforted me with his soft sweet voice.

"May part sa 'kin na ayaw kong sabihin pero sabi mo na ilabas ko lahat 'di bah?" nakangusong tanong ko. He let out a soft chuckle. My heart raced as if I am in a car racing as I listened to his chuckle...

"Oh? I almost forgot about that but anyways, what happened?"

Huminga muli ako nang napakalalim at nilahad sa kaniya ang buong pangyayari. Napakatahimik niya lang habang nakikinig sa akin-- pero hindi na ako umiyak nang ikwento ko na sa kaniya ang sagutan namin ni Laura.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now