Ten

241 6 0
                                    

Chapter 10.

Deserved.

"This is what you'll wear for your practice until the actual pageant," my jaw dropped when I saw the 5 inches heels of Ma'am Jenny.

"A-ang tangkad po, Ma'am. Baka matapilok na ako sa oras na suotin ko iyan," kinakabahan na saad ko.

Isang oras pa bago ang practice namin kaya nandito ako sa office ng adviser ko para mag-ensayo sa pagdala ng heels. Akala ko ay 2 to 3 inches lang pero heck! 5 inches ang required na heels para sa pageant. Kung pwede lang magbackout, gagawin ko pero naipasa na sa office ng director ang pangalan ko. No backing out, Savannah.

"Stand straight, don't feel that you are falling. Just keep calm okay?" tumango ako sa binulong ni Ma'am at huminga nang malalim. "Now, maglakad ka-- 'yung normal na lakad mo."

I did what she said and she clapped her hands.

"Now, do the crosswalks. Do you see this straight line? Use this as a path to do that routine," I nodded again and followed. "And now swing your butt naturally together with your arms." ginawa ko na naman ang kaniyang sinabi at pumalakpak siya.

"You're doing great, Miss Rodriguez." napangiti ako sa kaniyang sinabi. "But always remember, whatever happens, ABM will always be proud of you." mas lumapad ang ngiti ko.

Sumapit ang oras ng practice, nataranta ako dahil ang galing talaga ng makakalaban ko. Huwag kang magpapa-distract, Savannah. Dapat ipaglaban mo 'to hangga't kaya mo! Fighting!

I tried to make friends with the other candidates pero iniirapan lang nila ako.

Ano bah 'yan, ganito rin bah ang nakakasama ni Xia kapag may pageant siyang sinasalihan?

Tungkol sa kanila ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Samantalang si Dianne ay panay ang pagtawag sa akin at kay Xia para magkausap kaming tatlo. Hindi naman na ako galit, pero distansiya muna ako.

Nang-init ang pisngi ko nang bigla kong naalala ang nangyari sa bahay nila Kuya Carson kagabi. At dahil do'n, muntik na akong madapa.

I heard the chuckles of the other girls. Napalingon ako sa kanila at nagbulongan kaagad sila.

They're... toxic.

Oh god! Ang dami ko nang na-encounter na toxic na mga tao kaya hindi na ako magpapaapekto. Bahala sila sa mga buhay nila. May sariling buhay naman akong pakikialaman.

Kung ayaw nila akong pansinin, edi huwag! Chill lang tayo, Savannah. May tatlo kang kaibigan at marami na iyon para sa iyo.

Sa unang practice ay basic steps pa para sa production number ang tinuro kaya chill pa ang galaw ko. Hindi kaya ako marunong sumayaw unless kung tuturoan ako.

"Hey, mali naman ang galaw mo." napantig ang tenga ko sa grade 12 student.

"Huh?" tugon ko.

Ngumiwi siya at umirap. "You're doing the wrong steps."

Tamad ko siyang tiningnan.

"What kind of look is that?" mataray na tanong niya. "Don't tell me, feeling mo tama ang mga ginagawa mo?"

Huminga ako nang malalim at kalmado siyang tinalikuran. Perfect naman ng timing, lumabas ang instructor namin kaya kami lang candidates ang naiwan sa practice room.

"At tinatalikuran mo ako? You're guilty aren't yo--"

"Alam mo bah kung bakit tinatawag na practice ito?" pambabara ko at nilingon siya. I raised my left eyebrow. "It is to correct any wrong steps a candidate will do. At hindi lang naman ako ang nagkamali sa ating lahat kaya bakit ako lang sinabihan mo?" sumilip ako nang bahagya sa ibang kandidata na nagulat sa pagsumbat ko.

I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon