Fifteen

221 4 0
                                    

Chapter 15.

Last.

"Kamusta naman ang pagsalubong ninyo sa Pasko?" napangiti ako sa tanong ng katawag.

"It was really fun, ang dami ko ngang kinain kagabi. Marami din akong natanggap na regalo," sagot ko kay Justine. Marahan siyang natawa sa kabilang linya. "Ikaw? Kamusta naman ang sa inyo?" tanong ko pabalik.

Alas diez ng umaga ay umalis na ako sa bahay nila Papa. Pinadalhan nila ako ng pagkain para may makain ako sa condo. Tita Mina thanked me for everything. Sobrang tuwa raw ng mga bata sa ginawang storytelling ko sa kanila kagabi. I thanked them too. Sobrang saya ko rin kagabi na napaiyak na ako sa tuwa.

When I reached my condo, biglang tumawag si Justine para batiin ako ng maligayang pasko. Kaya heto kami ngayon, halos isang oras nang nag-uusap sa pamamagitan ng cellphone.

Napasulyap ako sa mga kahon ng regalo. Wala pa akong nabubuksan ni isa at nagugulohan ako kung ano ang uunahin ko.

"I can't wait to see you again after New Year," bumalik ako sa ulirat sa sinabi ni Justine.

"Ang excited mo naman, i-enjoy mo muna ang bakasyon."

Bumuga siya ng hangin. "But mas mage-enjoy ako kung ikaw ang nakikita ko," saglit akong natigilan dahil pabiro niya iyong sinabi. Tinawanan ko lang 'yon para hindi niya mahalata ang awkwardness na nararamdaman ko.

"Bolero ka talaga. Ano ba'ng meron sa akin at atat ka nang makita ako?" ngumisi pa ako at natawa.

"'Yung magandang ngiti mo, miss ko nang makita tapos 'yung boses mo. Ang dami kong pinsan na babae pero kung makapagsalita ay parang mga lalaki," malakas akong natawa, binalewala ang una niyang sinabi.

"Huwag ka namang ganiyan sa mga pinsan mo, maganda kaya sila-- kita ko sa pictures mo kagabi," sambit ko at humingos lang siya.

Nagtagal pa ang pag-uusap naming dalawa bago siya nagdesisyon na ibaba. Tutulongan niya pa raw ang Mommy niya sa pagliligpit ng pinagkainan kaya hinayaan ko. May aayusin rin kasi ako sa buong condo at iinitin ang pagkain na pinadala nila Papa.

Pero bago ko gawin 'yon, gusto kong buksan muna ang mga regalong natanggap ko.

I arranged the boxes. Mga sampu ang natanggap ko at halos ilan sa kahon ay malalaki. From biggest to smallest ang arrangement. Tanungin ko kaya si Dianne-- tulog pa yata ang babaeng iyon ngayon.

Nag-inuman kasi kasama ang mga pinsan niya. Si Xia kaya?

I sighed. For sure matagal ring natulog iyon dahil nag-live siya sa Facebook at alas 4 na natapos.

Si... Kuya Carson kaya?

Napasapo ako sa sariling noo. Nakakahiya kung siya ang tatawagan ko. But there's nothing wrong if I will ask him a number from 1 to 10-- what if buksan mo nalang lahat in any order, Savannah?

Mang-aabala ka pa ng tao. Hay naku. Oo nga naman.

Tinitigan ko isa-isa ang mga kahon.

'Yung pinakamaliit ang unang bubuksan ko. I was about to get it when I heard my doorbell making a sound. Napatayo ako at dumiretso sa pinto.

"Delivery po para kay Miss Rodriguez," nanlaki ang mata ko.

"Po? Wala naman po akong inorder, Sir." nagtatakang sabi ko at ngumiti siya sabay lapag ng kahon sa sahig.

May kinuha siyang clipboard. "Ayon po dito ay galing ito kay Mr. Ortega," pinakita niya pa sa akin kung ano ang nakasulat doon, my mouth formed into an 'o'. "Mr. Maverick Ortega." paglilinaw niya.

I Fell For A Manحيث تعيش القصص. اكتشف الآن