Forty- Four

220 7 1
                                    

Chapter 44.

Pagtago.

Walang emosyon kong pinagmasdan ang bintana ng eroplano at dahan-dahang pinikit ang mga mata. Huminga rin ako nang malalim at hinanda na ang sarili sa pagbyahe patungo sa lugar na ipinangako sa akin ni Justine.

"Are you sure about this, Savannah?" naimulat ko ulit ang mga mata ko nang marinig ko siya.

I looked at him. "Yes,"

"Sinabi ng doktor mo na baka makakasama sa bata ang pagbyahe mo nang matagal," nag-aalalang sabi niya pero hindi nagbago ang ekspresyon ko roon.

Bago kami tumungo sa airport ay dumaan kami sa doktor ko. I asked her if I am allowed to travel from Manila to somewhere while my baby is still 3 weeks and like what Justine said, makakasama ito para sa anak ko.

At bago kami napunta rito, ibinilin ko kay Mama si Maxi. She was worried why am I doing this. Hindi ko pinaalam sa kanila kung saan ako pupunta. I just said na bantayan nila ang panganay ko. Si Papa, hindi ko na tinawagan dahil magkakagulo lang. And for sure, gagawin niya ang lahat para hanapin ako.

Even though my heart is clenching for doing this, 'di ko hinayaan ang sarili na lumuha.

Stress... Fvcking go away with me.

Pinasandal ako ni Justine sa balikat niya. How I hate this... Sana hindi niya nalang ako pinakasalan... Bakit pa niya pinilit ang sarili niya? I can't stop but to pity myself. Ganoon bah ako kamukhang kaawa-awa? Pwede niya namang sustentohan si Maxi hanggang sa makapagtapos ito ng pag-aaral. May tyansa rin siya no'n na hindi ituloy ang pagpapakasal sa 'kin. Pwede siyang umatras at tumanggi kay Papa...

Hindi ko na naman napigilang murahin si Carson sa utak ko.

Ang mga sinabi niya... lahat ng mga sinabi niya... lahat pala ng iyon ay puro kasinungalingan pero bakit ganoon? Bakit ramdam na ramdam ko na totoo lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin?

He said that he loves me... He said that he will do anything for me and to Maxi. Bakit sa isang babae, nakalimutan niya lahat ng iyon?

Nakatulogan ko ang pag-iisip at naalimpungatan ang pagkumot ni Justine sa katawan ko.

"Water," I whispered.

Agad namang ibinigay ni Justine ang tubig na mukhang kakabigay lang ng FA sa amin. Nagkatitigan kami ni Justine pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Ilang... oras nalang?" paos ang boses na tanong ko.

"Isang oras."

Bumangon ako at pumunta sa banyo. Inalayan naman ako ni Justine. I told him I can do it alone pero hindi niya ako hinayaan. Medyo nakakaramdam rin kasi ako ng pagkahilo at nag-aalala siya na baka mapano ako.

I can get through this... I would never hope for that bastard. Kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi na ako aasa sa kaniya.

"Hindi masyadong malaki pero pwede kang tumambay sa likod kung gusto mong pagmasdan ang dagat," saad ni Justine.

I surveyed my eyes in every corner of the house. May ikalawang palapag na sa hula ko ay may isang kwarto. Dito sa baba ay may maliit na sala na ang katabi ay kusina. This is a simple yet a humble place.

Ang sabi ni Justine, dito tumira ang Aunt niya noon bago nag-asawa.

Kita ko ngang medyo may batak na ang dingding pero maayos naman tingnan since concrete siya.

This is a good place for me. Medyo tago at mahihirapan ang taong maghahanap sa akin.

"Kent...?" natigilan ako nang may marinig.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now