Thirty- Two

211 5 1
                                    

Chapter 32.

Bracelet.

Mabilis na lumipas ang oras. Hinatid na kami ni Carson pauwi ng condo. Madilim na kaya naihatid niya talaga kami papasok. He's carrying Maxi who is now sleeping. Napagod kakalaro kasama ang Lolo't Lola niya.

I smiled a little as I watched him opened the door of our unit. Siya pa mismo ang nagbukas ng ilaw.

"Sa kwarto na siya," saad ko at binuksan na ang kwarto namin ni Maxi.

"I want to embrace her for a while," he said.

Something soft touched my heart as I watched him kissed our daughter's forehead. Huminga ako nang malalim at napangiti na lamang.

"Okay, magbibihis na muna ako." tinanguhan niya ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagbihis ako ng pajamas. I accidentally looked myself in the mirror. Tumigil ako saglit para pagmasdan muna sarili sa salamin. I fixed my hair and smiled a little. I really matured... From my looks to my body, ibang-iba na talaga sa Savannah Eleanor noon.

Nagsepilyo ako sa banyo bago lumabas.

And what I saw surprised me, nasa sofa na si Maxi. Mahimbing pa ring natutulog pero ang hinihigaan niya ay ang katawan ng ama niya. I really went stiff. Napatitig ako sa kanilang dalawa.

Tulog na rin si Carson!

So ano na gagawin ko ngayon? Matutulog nalang mag-isa sa kama? Alangan namang gisingin ko pa si Carson para umuwi. He honestly looked tired. Kanina ko pa napapansin iyon no'ng mag-share kami ng shake.

I sighed and decided to sleep alone in the room. Hinayaan ko nalang na nakabukas ang pinto dahil baka magising si Maxi at maisipan na tumabi sa akin.

Tinakpan ko ang katawan ng kumot. This day was a bit tiring but fun...

Dahan-dahan akong hinila ng antok hanggang sa makatulog na nga ako.

I thought I really fell asleep when I felt the bed moved. Naalimpungatan yata ako at paglingon ko sa aking likod ay nanlaki ang mata ko dahil si Carson ang nakita ko. He put Maxi beside me at akala ko, aalis na siya pero humiga din siya.

"Let me sleep here for tonight... sorry," inaantok na sabi niya.

Jusko! Napansin niya ako!

"S-sige... goodnight..." mabilis akong tumalikod, hinayaan na wala nang kumot na tumatakip sa katawan ko.

"It's already morning... but goodnight," he greeted back.

Pumikit ako ulit at pasalamat akong hinila agad ako ng antok. Komportable akong nakatulog sa gabing iyon at paggising ko, akala ko si Maxi ang unang sasalubong sa mga mata ko.

Pero ang nangyari ay...

Si Carson ang nakita ko. He's still sleeping and we are so close! Ilang sentimetro nalang at maglalapat na ang noo namin!

My heart pounded like a wild machine. Napatakip rin ako sa sariling bibig. Ramdam na ramdam kong mabaho ang hininga ko! Kailangan ko nang kumilos bago pa niya maamoy!

I almost squeaked when I realized that Carson's hand is on my waist.

Ilang beses akong napamura sa sariling isipan. I gently pushed his hand away and I succeeded.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para magsepilyo at maghilam-os.

Where's Maxi?

Paglabas ko ay tulog pa rin si Carson, humihilik pa nga. I stared at his face for a second before deciding to go out to my room. Sinalubong agad ako ng aking anak na bagong ligo.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now