Twenty- Eight

238 6 0
                                    

Chapter 28.

Why?

"Good morning, Mommy!" dahan-dahan akong bumangon at napangiti nang ang sumalubong sa mga mata ko ay si Maxi. "Bangon na po! Daddy is cooking!"

Kinusot ko ang aking mata at tuluyan na ngang bumangon. I arranged the bed where I slept and went to the bathroom to wash my face and brush my teeth. Pinagmasdan ko si Maxi at napansin kong tapos na siyang maligo. Her hair is wet. Sino'ng nagpaligo nitong anak ko?

Nasa malaking bahay kami natulog dahil biglang umulan kagabi. Good thing that I brought extra clothes for me and to Maxi. Hindi kami tabi natulog ng anak ko dahil gusto ni Carson na siya muna ang tumabi.

After combing my hair, sinundan ko na si Maxi pababa.

Nagkasalubong kami ni Manang Daria. "Magandang umaga, hija." magiliw na bati niya.

"Good morning, Manang..."

"Ang aga nagising ng mag-ama mo," tumaas ang dalawa kong kilay sa sinaad niya. "Nagpunta sila sa palengke para bumili ng lulutoin na ulam ngayong umaga."

"Ganoon ho bah?" nakangiti siyang tumango at napanguso ako.

Tumungo na ako sa kusina na malapit lang sa dining room. Nadatnan ko nga si Carson na abala sa pagluluto. He's wearing an apron and he's sweating. Nagdalawang-isip ako kung babatiin ko bah siya pero sa huli ay binati ko.

"Good morning," natigilan siya at napatingin sa akin. He smiled at me. Kalmahin mo, puso. Ngiti lang iyan.

"Morning!" he happily greeted.

Parang may sariling utak ang paa ko dahil humakbang ako palapit sa kaniya. I peeked to see what he is cooking and my stomach blurted out some sounds when I smell the adobong manok. Hindi niya naman ata narinig iyon.

Nagluto din pala siya ng calamares at lumpia. Halatang maaga nga siyang nagising.

"N-nagpunta raw kayo ni Maxi sa palengke?" I really stuttered!

"Yeah. We went there to buy the ingredients of these," tukoy niya sa kaniyang niluluto. "And you were right, nagpabili ng pandesal at cheese si Maxi habang papauwi kami." his smile widened and that made my heart thumped again.

"Sana all. Hindi n'yo man lang ako ginising," 'di ko maitago ang bitterness sa boses ko. Natahimik siya kaya napatingin ako sa kaniya. He's also staring at me! "Ah! J-joke lang! 'Wag mo sana seryusohin 'yon."

He chuckled softly. "I'm sorry. I don't want to disturb your beauty rest. Plano ni Maxi na gisingin ka pero sinabihan ko na huwag ituloy," natatawang aniya.

"Ibig sabihin nakita mo akong tulog?" mahinang ani ko.

"Yes."

What the... Ibig sabihin ay nakita niya ang natuyong laway sa gilid ng labi ko at ang mga muta sa mata ko! Nakakahiya! Ramdam kong nang-iinit na ang pisngi ko at sana hindi niya mapansin ang pamumula ko.

"Mommy! Daddy!" muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang pumasok si Maxi na may hawak na tuta.

"They're already awake?" tanong ni Carson.

"I woke them up!" si Maxi at niyakap ang tuta. "Anong pangalan niya, Daddy?" na-out of place ako bigla kaya nakinig lang ako.

Pinatay ni Carson ang stove at napameywang na tiningnan ang anak. "His name is Gideon,"

Maxi's eyes twinkled. "Ang cute ng name! Hii Gideon!" mas hinigpitan niya ang pagyakap ng tuta. Cute naman talaga ang tuta kaya napangiti ako. "Akin nalang si Gideon, Daddy!"

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now