Sixteen

221 4 0
                                    

Chapter 16.

Wala Nang Pormalan.

The beats of my heart while dancing to the man I love felt so beautiful. I was staring at his eyes the whole time as he danced me gracefully.

He's humming a song to make our dance more effective. Kumurap ako nang isang beses at dahan-dahan na napangiti. He also smiled at me and turn me around.

"You looked so gorgeous, Savannah..." nang-init ang buong mukha ko.

"Thank you..."

Muli niya akong inikot at matapos no'n ay pinasandal ang ulo sa kaniyang matipunong dibdib. Pikit ang mata kong pinakinggan ang tibok ng puso niya. It's normal unlike mine who's beating like I am hyperventilating. It felt so comfortable leaning my head in his chest.

"Nakahinga ako nang maluwag dahil nakaabot ako," bigla siyang nagsalita, hinahaplos na ang buhok ko. "But I'm sorry... I wasn't able to dance you infront of your visitors."

Pumikit ako nang saglit saka nagsalita. "Ayos lang..." mas gusto ko namang tayo lang dalawa ang makaalam na sinayaw mo 'ko.

He let out a soft chuckle and slightly pushed me to make me face him. "What will be my message to you?" ngumuso ako. "Stay what you are? Nah, I know you will stay what you are even though I won't say it." humaba lalo ang pagnguso ko. "Just stay humble and I am wishing you'll reach your dreams."

I smiled and nodded. "I will..."

Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "You're really such a softie."

"Hindi kaya," tanggi ko.

Tinulak ko siya at inayos ang aking mukha, inayos ko rin ang paghawak sa bouquet. "You are," natatawang giit niya pero inirapan ko lang. "Kahit umirap ka, mabait pa rin tingnan." sabi niya pa.

"Nagiging maldita rin ako! Ayaw ko lang ipakita," depensa ko at muli siyang inirapan.

"Really? Show it to me right now--"

"Carson?" he was cut off by talking when someone called his name. Natigilan rin ako.

Nilingon niya ang nagsalita at laking gulat ko nang mapagtantong si Ate Maria iyon! I can see confusion in her eyes but the smirk in her lips said that she expected this.

"Akala ko bah nasa ibang lupalop ka ng mundo?" ngising tanong ni Ate at bumaba ang mata niya sa hawak kong bulaklak. "Oh?! Who gave that to you, Savannah?" kunwari'y gulat na aniya sabay sulyap sa kapatid.

"Me," simpleng tugon ni Kuya Carson.

Umawang ang bibig ni Ate Maria. "Oh really?" tipid na tumango si Kuya Carson.

Nakakailang... Kanina pa bah nandiyan si Ate Maria? Kung Oo, ibig sabihin ay nakita niya kaming nagsasayawan. Lahat yata ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko. I can feel the hotness of my cheeks.

Kuya Carson glanced at me and he just shrugged, and even rolled his eyes.

Lumapit si Ate Maria sa kaniya para paluin lang siya. May pinag-usapan pa sila pero sinadya nilang hindi ako makarinig. Ang narinig ko lang ay ang pangalan ni Magnus. Ate Maria looked serious while she was talking but when they finished, she sweetly smiled at me.

"Hinahanap ka na pala ng mga kaibigan mo," ngayon lang pumasok sa isipan ko na kailangan ko pang bumalik.

Tinitigan ako ni Kuya Carson dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa bouquet. "You go change your clothes now," he commanded and before I could walk away, lumapit muna siya sa akin para yakapin.

I Fell For A ManOnde histórias criam vida. Descubra agora