Nineteen

250 4 2
                                    

Chapter 19.

Hurts Like Hell.

Holding a white rose while listening to the priest infront, para lang akong lumulutang sa sobrang gaan ng katawan ko. Kumain naman ako kaninang umaga pero noong tanghalian ay tatlong subo lang ang kinain ko.

I bit my lower lip and wiped my cheeks as my tears started to fall again.

Nakasuot ako ng shades-- halos kaming lahat ay nakasuot ng ganoon. Katabi ko si Justine na kanina pa tahimik. I know may pinagsamahan rin sila ni Ate Maria dahil siya ang nakakasama ko minsan sa tuwing kumukuha ako ng panibagong box ng vitamins.

He suddenly tapped my back. "It's alright, Savannah..." bulong niya na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.

I thanked him for staying beside me.

Paglingon ko ulit sa pari na nasa harapan ay hinahanda na nila ang paglibing kay Ate Maria. Muli ko na namang narinig ang malakas na hagulhol ni Tita Shairah dahilan para mag-iyakan ang lahat.

He is not here... 'Di talaga siya pumunta kahit saglit lang.

"No! No... please! Huwag muna sa ngayon! Maria!" iyak ni Tita Shairah, pilit na inaabot ang kabaong ng sariling anak. "Anak! Why did you do this to me?! Ang aga pa!"

Tinakpan ko ang bibig ko at napahagulhol na rin. Justine let me lean to his chest. He caressed my hair and kept whispering that it's alright.

Nakita ko kung paano inawat ni Magnus at ilan niyang pinsan si Tita Shairah dahil tuluyan na itong nagwawala. Naririnig ko ang hagulhol ng iba, lalo na si Kuya Christian na buhat-buhat si Zed. Para akong sinasaksak sa mga nakikita.

This really hurts like hell...

Sinamahan ako ni Justine sa paglagay ng white rose sa libing ni Ate Maria. He hugged me so tight after I put the white rose. I cried so hard in his chest. 'Di ko kayang tanggapin... Parang nananaginip pa ako sa kalagayan ko ngayon. Ayaw kong paniwalaan ang lahat.

"Ilayo mo 'ko rito please..." umiiyak kong sabi at hinila ako ni Justine palayo sa mga taong dumalo.

We went to a tree where we can stay for the meantime. Sumilong kami sa ilalim. Patuloy pa rin sa paghagod sa akin si Justine. Hindi ko na inalala si Dianne na alam kong umiiyak na rin ngayon.

Mariin akong napalunok.

"Kukuha lang ako ng tubig," si Justine matapos ang ilang segundong pagkakatahimik. "You stay here, Savannah okay?"

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Mga dalawang minuto ay napakalma ko na ang sarili ko. Tanging paghinga lang nang malalim ang aking ginagawa para umayos ang paghinga ko.

Waiting for Justine to come back, my eyes gazed at the other tree.

Saglit akong natigilan at napatitig sa bulto ng lalaking nakatayo roon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Carson ang nakikita ko.

Nilingon ko muna ang mga taong nag-aabang pang matapos na malibing si Ate Maria saka nagpasyang lapitan si Carson na alam kong magmamasid lang a ilalim ng puno. Inayos ko ang sarili bago naglakad palapit sa kaniya.

Pasalamat akong hindi niya naramdaman ang presensiya ko. Tatlong hakbang nalang at malalapitan ko na siya. My heart raced like a wild fire when his eyes landed on me.

He is just wearing a black T-shirt and a faded maong jeans. Nahahalataan ko ang malalaking eyebags niya.

I can sense it. Hindi siya natulog ng ilang araw.

I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon