Twenty- Seven

239 7 1
                                    

Chapter 27.

Talk.

"Ang... laki ng bahay mo," wala sa sariling naikomento ko pagtanaw ng mga mata ko sa kaniyang bahay. Located siya sa isang subdivision kung saan puro mayayaman ang nakatira. "Maxi! Careful!"

Mabilis na nahabol ni Carson si Maxi nang bigla itong tumakbo. She's really excited. Kanina pa siya kumakanta sa loob ng kotse. Natutuwa naman si Carson.

I heaved a sigh as I slightly pinched the sidewaist of my daughter. She pouted. "I already told you to behave right?"

"I'm sorry, Mommy..." nakayukong aniya.

"Huwag masyadong malikot. Just behave, Maxi." she obediently nodded so I gently pulled her hand.

Bukas na bukas na ang main door at pagsilip ko, may kausap na matanda si Carson. She's not familiar... Patuloy kaming naglakad ni Maxi at nang tumigil kami ay ngumiti siya sa amin. Ngumiti rin ako pabalik.

"Savannah, this is Manang Daria. She's the mayordoma here," saglit akong yumuko. Palangiti siya at lahat yata ay mahahawa sa magandang ngiti niya. "And Manang, meet Savannah Eleanor. The mother of my daughter." lumapad ang ngiti niya.

"Kay gandang babae naman nitong asawa mo, Carson." my eyes widened.

Tumikhim lang si Carson.

"H-hindi niya po ako asawa..." nahihiyang pagtanggi ko na ikinatawa niya lang nang mahina.

Nagmano si Maxi sa kaniya. She complimented how beautiful my daughter and my heart melt when Maxi thanked her politely. Nakakatuwa na maraming nagagandahan sa anak ko.

Sabay kaming pumasok sa loob. Gusto ko ang interiors. At napakalinis ng paligid. Hindi ko talaga sinayang ang oras para libutin ang mata sa buong bahay. May mahabang hagdan papunta sa second floor. It's like a mansion... napakalaki.

May mga materyal na bagay na mula yata sa sinaunang panahon, may collection rin ng baril at ang pinakanagpaagaw sa atensyon ko ay ang malaking portrait ni Carson at Ate Maria. Akala ko ay isa lang ang painting na makikita ko pero paglingon ko sa gilid ay may malaki din palang painting si Carson kasama si Magnus.

They looked so good. Halatang respetado at may pinag-aralan.

Ngayon ko lang nakita ulit ang mukha ni Ate Maria at napakaseryuso niya tingnan sa painting. I really missed her...

I was stopped by surverying myself when I heard a bark coming here. Sa hindi inaasahan ay may nakita akong puti at mabalahibong aso. Wait a minute... I remember this dog!

"Heaven?" pagtawag ko sa pangalan niya.

But it looked so small compared to Heaven. Mabilis itong tumakbo papunta kay Carson. "Lavo... behave," he commanded at sumunod nga ang tuta sa kaniya.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Maxi. Her eyes twinkled when she saw the puppy. "Puppy!"

Napaigtad ang aso sa pagtili niya. The dog's tail wiggled when my daughter touched his fur. "Akala ko si Heaven..." bulong ko pero narinig ni Carson.

"Anak ni Heaven,"

"Nasaan na pala si Heaven ngayon?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim. "She died a year ago. Nagkasakit siya," napatango-tango ako. "But I have her puppies. Si Lavo lang ata ang nakatakas sa bahay nila."

Nagulohan ako. "May bahay sila?"

"Yep! Nasa likod ng bahay--"

He was cut off when we heard puppies running over here. Tatlong tuta ang tumatakbo papunta kay Lavo. Lahat sila ay puro puti din ang balahibo. Ilang beses akong napakurap. They looked so cute.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now