Fifty

250 7 1
                                    

This is the last chapter of I Fell For A Man before the Epilogue.

But before anything else, gusto kong magpasalamat sa tao na nagbigay sa akin ng inspiration na isulat ang kwentong ito. He is my bestfriend for 4 years pero ako lang ang nakakaalam na bestfriend ang turing ko sa kaniya.

Despite in our long age gap, I consider him as my friend.

He's one of the reason why I started writing this story and to my readers, I am hoping you enjoyed reading this one like the way I enjoyed writing it. Maraming salamat sa inyong suporta at sana magtuloy-tuloy.

To Kienne, I hope you'll have time to read this. Hahaha! Alam kong busy ka pero baka naman magkaroon ka ng oras.

Like what I have promised to myself, tatapusin ko 'to bago ang pasko. Merry Christmas sa inyong lahat and Happy New Year!

Chapter 50.

Smile.

Matapos naming pumunta sa presinto ay dumiretso na kami sa bahay. My friends are waiting and I am so happy to see them. Naghanda ng pagkain si Mama at Zeneth kaya agad kaming kumain.

Carson is silent beside me. He's snaking his arm around my waist while I am busy picking a food.

"Uminom ka muna ng tubig," bulong niya.

"Mamaya na," sabi ko at bahagya siyang tiningnan. I smiled at him. "I swear, I am okay now, Carson."

He pouted and sighed after a second. "Fine..."

Tumungo kami sa pinakamalapit na lamesa at mabilis siyang tumabi sa akin. Xia were smiling so wide while watching us. Nginitian ko din siya at sinenyasan na lumapit.

"The twins are so cute. Halatang nagmana sa 'yo," she said. Carson grunted and that made me chuckle. "Uuwi na kayo ng Manila after nito?" pag-iiba niya sa usapan.

"Sa susunod na linggo pa," tugon ko at sinulyapan si Carson. "Medyo masakit pa 'yung tahi ko kaya mas mabuting magpahinga na raw muna ako sabi ng doktor." paliwanag ko at tumango naman siya.

"I was planning to go home with you but I guess I'll head back first," ngusong aniya at kumunot ang noo ko. "But I promise, I'll make time with you here with your babies."

"Kailan ka naman uuwi?"

"Let's not talk about it for now," she giggled.

Humaba ang usapan namin ni Xia habang kumakain ako. Until Dianne Ruth came into the scene. She's carrying her baby and when she saw that we are talking, pinasa niya kay Magnus ang kanilang anak. Carson stood up to go to Maxi. Naiwan kaming tatlong magkakaibigan.

"Uy! Pasali ako!" ani Dianne.

A little smile crept into my lips. Kahit ilang buwan akong nawala, na-miss ko sila. Gusto ko silang pasalamatan sa pagpunta nila rito dahil gusto nila akong makita. And it was a perfect timing that I gave birth to my angels. Ridge and Tidus.

Speaking of them, I have to feed them later. Tulog pa raw kasi sabi ni Mama kaya sinulit ko ang pakikipag-usap sa dalawa kong kaibigan.

"Naalala niyo 'yong nadapa ako dahil gusto kong gumawa ng tricks sa skateboard?" tanong ni Dianne at humagalpak sa pagtawa. "Ang epic no'n!"

Isa iyon sa alaala na hindi ko makakalimutan.

"Yeah! Who would forget that? You almost hit your face on the ground that time! Thank God that it didn't happen!" asik naman ni Xia.

I Fell For A ManWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu