Thirty- Seven

220 5 1
                                    

Nag-update ako dahil sa mga kairitang creature na nabangga ko kanina. -_-

Chapter 37.

So Close.


"Sino'ng may sabi na dito ka kakain?" natigil ako sa paglalagay ng plato sa lamesa nang marinig ko ang masungit na tanong ni Carson kay Magnus.


I looked at them.


Nakaawang ang bibig ni Magnus at 'di kalaunan ay napanguso. Looks like he realized something. "Kuya naman... sorry na kasi," tiningnan ko ang reaksyon ni Carson pero sa ekspresyon niya ay desidido talaga siyang huwag pakainin ang kapatid rito.


Bumuntong-hininga ako at pinagpatuloy muna ang ginagawa bago ko nilapitan si Carson. I felt how he went stiff when I gently touch his shoulder. Nanlaki rin ang mata niya nang matingnan ako.


"Nag-sorry na siya kaya hayaan mo na," marahang sabi ko.


Saglit na nagsalubong ang kilay ni Carson saka bumuga ng hangin. "Tsk! This will be the last time you'll eat in this house,"


"Sige bah!" tuwang-tuwa naman si Magnus sa sinaad ng Kuya niya at nauna pa talagang umupo sa amin.


Tinulongan ko si Carson na ihanda ang niluto niyang putahe. At nang matapos ay sinabihan ko siyang gigisingin ko si Dianne para sabay na kaming kumain. He nodded and before I went out in the dining area, nakita ko kung paano binatukan ni Carson si Magnus. Narinig ko pa nga ang paghiyaw ni Magnus.


While going upstairs, huminga ako nang malalim. Kanina... iyon na bah ang sign na nagsisimula na akong magustohan ni Carson? He won't kiss me if he don't like me... but what if...?


What if... parte pa rin iyon ng pagiging magulang namin ni Maxi?


That thought pained my heart.


"Dianne? Gising ka na--" I was cut off when I saw that there is no one in the bed. Napalingon ako sa pinto ng banyo.


May naririnig akong sumusuka. My eyes widened and rushed to go there. Nadatnan ko nga ang kaibigan ko na kaharap ang bowl. She's vommiting! Lumuhod ako at agad na hinagod ang kaniyang likod.


"Oh my gosh! Ano'ng nararamdaman mo, Dianne?" I asked worriedly. Umiling lang siya at napasuka na naman. "Teka, kukuha lang ako ng tubig sa baba."


Akma na sana akong lalabas nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "N-no... huwag, Savannah--" nahihirapang pigil niya.


"What?"


Minute passed when she finally stood up and even wiped the side of her lips. Bumuga siya ng hangin. I stared at her with a big question in my face. Natawa siya.


"Buntis ako," nakangiting saad niya.


May kung anong pumutok sa ulo ko. "What?!" matagal bago ko naproseso ang sinabi niya. "Nagbibiro ka lang bah?"


Natawa na naman siya. "Buntis nga ako," kumunot ang noo ko. "Si Sean ang ama. Nagpa-check ako sa Ob-gyne kahapon bago ako pumunta sa bahay ng magandang Xia pero dahil gusto ko ring sabihan ang gago na si Magnus Sean, tinawagan ko siya para kausapin pero babae ang sumagot."


This makes sense now.


"Hindi ko nasabi kanina dahil pagod ako," ngumisi pa siya. "At ngayong nasa maayos na kalog na ang ulo ko, wala na akong iiyakan."


"Pero ipapaalam mo naman kay Magnus 'di ba--"


"Siyempre naman. Siya ang ama nitong dinadala ko," she even flipped her hair, very proud. "Kung pananagutan niya ako, mabuti pero kung hindi? Ayos lang din dahil may pera naman na ako at may trabaho."


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now