Six

203 6 0
                                    

Chapter 6.

Nagbago.

"Xia naman eh! Ano ang sinabi mo kay Sean? Baliw ka bah?!" napatalon ako sa paghiyaw ni Dianne nang makarating ako sa food spot naming magkakaibigan. "Sabi nang ayaw ko sa kaniya! Baliw kang gaga ka!" I gasped when she hit Xia who is just laughing like a crazy girl.

Sinalubong ako ni Apollo. He smiled at me so I smiled back. Saglit akong sumilip sa dalawa na halatang hindi pa ako napapansin.

"What happened?" I asked curiously.

Nagkibit-balikat ang kausap ko. "I actually don't know what really happened but all I know is Xia said something to Sean." umawang ang bibig ko. "You know Sean Magnus? The college student?"

"Bakit hindi mo naman siya magugustohan?" hindi ko nasagot si Apollo dahil napalingon ako ulit kay Xia. "Kuya Sean is a good man! Like his brother Kuya Carson!"

Hinampas siya ulit ni Dianne. "Anong 'good man'?! Eh mukha naman 'yong tubol. Mas gwapo 'yung Kuya niya! Good man good man! Eh inaway niya nga ako noon!" bumuntong-hininga ako sa sinabi niya. Ever since ay napansin kong mainit ang dugo ni Dianne may Magnus.

Fraxianna laughed. "That's what other says right? The more you hate, the more you lo--"

"The more you get the guts to kill!" sigaw ni Dianne.

Lumapit na ang isa sa mga waiter sa kanila. "Mga Ma'am... hindi po pwede ang mag-ingay rito kaya kung pupwede po ay lumabas na kayo."

Napasapo ako sa sariling noo. That was embarassing. Dianne's face turned into this '-'. Habang si Xia ay tawa lang nang tawa habang hinihila ang kaibigan ko palabas. Ako na ang lumapit sa waiter at humingi ng pasensiya.

Sa huli ay lumipat kami ng kainan. Good thing na Sabado bukas kaya pwede akong umuwi ng alas 7, 'di gaya sa Lunes hanggang Huwebes na kailangan wala pang alas 6 ay nasa bahay na ako dapat.

Sa aksiyon ni Dianne ay may ideya na ako kung ano ang nangyari. Halos magtatatlong buwan na ang pagiging kaibigan namin ni Dianne kila Apollo at Xia. So far ay napakaganda ng pakiramdam na may kaibigan na naman akong maaasahan.

"Librehan nalang kita, Dianne para hindi ka na magalit sa akin," si Xia at nag-aambang halikan si Dianne na nakabusangot na ngayon.

"Eh kung suntokin kita para hindi na ako magalit?" banta niya.

Napailing ako at tinaas ang isa kong kamay. Napatingin silang lahat sa akin. "Tumigil na kayo sa pag-aaway please, baka paalisin na naman tayo dahil sa inyo..." mahinang sabi ko at marahan na natawa si Xia.

"Honestly, si Dianne lang naman itong gustong makipag-away." ngumiti pa siya na parang walang ginawa.

Umirap ang maganda kong kaibigan at nawalan na ng imik. I heaved a sigh. "'Wag mo muna siyang gulohin, Xia. She'll cool her mind for the meantime." I said and Xia nodded like an obedient kid.

Nasa tabi ko si Apollo na abala sa pagsagot ng assignment niya. Tapos na ako sa lahat kong assignments kaya ang gagawin ko bukas at sa Linggo ay mag-aayos ng buong bahay. Baka sa Linggo ay magsisimba ako at pagkatapos no'n ay pupunta ako ng ospital para kumuha ng bagong set ng vitamins.

Dumating ang pagkain namin, nagkaayos na ang nagkainitan na babae kanina.

"How about we go to the beach after our graduation?" suggest ni Xia.

"Basta libre, ayos lang sa akin."

"Of course! My Kuya owns a resort at libre ako doon kahit magdala ako ng limang kaibigan! Right, Apollo? Friend ni Kuya Kiel si Kuya Aiden kaya pwede kaming dalawa doon kahit anong oras."

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now