Seven

208 5 0
                                    

Chapter 7.

Symphony.

Luhaan pa rin ang mga mata ko hababg pinagmamasdan ang magandang bulaklak. He kept saying sorry. Simula kanina ay naging tahimik na ako, hindi sa ayaw ko siyang kausapin. Mas gusto kong ikalma ang sarili.

He is talking to an old lady, tungkol sa mga halaman ang pinag-uusapan nila.

The old lady smiled at me so I crept a litte smile before looking away. Napatalon ako nang may lumapit sa akin na maliit na aso.

"Hala... aso..." parang pusa yata iyan, Savannah. Hay naku! Aso nga eh kaya ba't mo pa sinasabi?

Nagpabuhat siya sa 'kin at tumigil nga siya sa pagtahol. Mabalahibo siya at sobrang lambot pa. Napangiti ako dahil sanay pala siya. Umupo kami sa isang bench para doon magpahinga.

"Ano'ng pangalan mo?" I talked to the dog and tried to find its collar. "Babae ka pala...? Hmmm so ang pangalan mo ay Heaven."

"Mukhang nagustohan ka agad ng alaga ko," napasinghap ako sa pagsulpot no'ng matandang babae.

"Uh... Opo," I smiled at her and was about to reach her dog but she shook her head, making me put it back to my lap. "Nasaan na po si Kuya Carson?" tanong ko.

"Bakit 'Kuya', hija? Hindi naman nalalayo ang edad mo sa kaniya," my mouth dropped and blinked alot of times. "Sampung taon lang naman ang agwat. Kami nga ng asawa ko, 15 years ang aming agwat pero nagkaanak pa rin ng tatlo." nang-init ang buong pisngi ko.

"K-kahit na po... mas matanda siya sa akin," magalang na sabi ko at marahan siyang natawa.

"Kung iyan ang sabi mo." kibit-balikat na aniya.

Binaba ko si Heaven nang tawagin na ako ni Kuya Carson. Nagpaalam kaming dalawa kay Aling Tina na malapad ang ngiting kumaway sa amin. Hindi na ako nagsuot ng seatbelt nang makasakay ako.

Pansin ko ang pagsulyap ni Kuya Carson kaya panay din ang pag-iwas ko. I licked my lower lip and swallowed some air. Narito pa din ang takot sa sistema ko sa nangyari kanina.

"Where do you want to eat?" he asked.

"Kung saan pwedeng kainan..." mahinang sagot ko.

He breathed heavily. "I'm sorry again for what happened earlier..." tumango lang ako. "Please talk to me. You're giving me chills every time you stop talking." napanguso ako at matalim siyang tinitigan. "Oh don't give me that kind of look, Savannah... Please."

Umirap ako. "Nanahimik ako hindi dahil sa ayaw kitang kausapin kundi nag-iisip kung paano kakalimutan ang ginawang pag-iwan mo sa 'kin kanina," pag-amin ko.

"I'm really sorry..."

"Hindi naman ako galit," nginitian ko siya. "Huwag mo muna akong isturbohin dahil baka mahampas kita."

"I thought you're not mad at me?"

"Hindi nga... 'Wag ka namang paranoid." inirapan ko siya.

We reached to a restaurant. Pinauna niya akong palabasin at nang makapasok kami ay sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin galing sa aircon. He chose a table for us at uupo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.

Galing sa messenger ang tawag at laking gulat ko nang makitang si Papa iyon. This is unusual. Hindi naman ako tinatawagan ni Papa-- unless if it's really important.

"Hello... Papa?"

I can hear he is catching his breathe, as if he is stopping himself to cry. Napakurap ako nang ilang beses. "Papa? Hello? Napatawag ho kayo?" wala akong alam kung nasaan siya pero for sure ay nagtatrabaho siya ngayon.

I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon