Nine

211 6 0
                                    

Chapter 9.

Tired.

"Uy gagi! Anyare sa mukha mong babae ka?!" para akong zombie nang makarating ako sa classroom at iyon ang pinambungad sa akin ni Dianne na literal na nagulat sa itsura ko.

I heaved a sigh. "Huwag mo muna akong pansinin, Dianne... wala ako sa mood."

"Halata nga! Eh paano na 'yan? Sa General Mathematics natin, ikaw ang gagawing representative mamaya tapos ganyan ang mukha mo!" napailing nalang ako at nadapa ang ulo sa desk.

'Di ako nakatulog kagabi dahil gumawa ako ng chiffon cake. Ayos na sana pero nasunog! I am going to give the cake to Ate Maria because it's her birthday, may isa sa kaniya at may isa din para kay Kuya Carson. Dahil nasunog, kinailangan kong magbake ulit. Kaya ayon, tatlong oras lang ang tulog ko.

Narinig ko ang pagpasok nila Xia at Apollo. Classmates kami dahil pareho kami ng strand na kinuha.

"What happened to Savannah?" tanong ni Xia.

"Ewan ko diyan! Wala daw sa mood eh halatang walang tulog ang gaga," si Dianne naman ang sumagot.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Xia sa ulo ko. "Hey love, are you okay?" I groaned. "I remembered ikaw ang magpi-present ng presentations ninyo mamaya sa Math. Can you handle it?"

"Malilintekan talaga iyan sa 'kin kapag hindi," nambabantang saad ni Dianne.

Bumuga ako ng hangin at umayos ng upo. "Bahala na. Makakaya ko naman ang lahat ng iyon." inaantok na tugon ko at pumikit ulit.

They both sighed. "If you can't do it, Dianne Ruth will do it for you--" pinutol agad siya ni Dianne.

"Hoy hoy hoy! Alam n'yo namang wala akong masyadong naiintindihan sa topic natin tapos ako ang papalit sa puwesto nitong babae na 'to? Aba! Gusto niyo ng away?! Libre ako!"

Napairap ako at hindi na umimik.

Dumating ang first teacher namin kaya umayos ako ng upo. I was shocked when she suddenly called me. Nagulat din ang ilan sa mga kaklase ko pero sa paraan ng pagngiti ni Xia, parang may hindi ako nalalaman.

"Ma'am?" paglapit ko.

"Can you come with me in my office? I have something to ask or clarify," nanlaki ang mata ko.

Pumalakpak bigla ang mga lalaki kong kaklase. "Go Savannah! Kaya mo iyan!" sigaw ni Gregory at nang-init ang pisngi ko dahil doon.

"Class, please read your book from page 25 to 26 and answer the assessment I gave to your President. Sasama muna sa akin si Miss Rodriguez," si Ma'am at tiningnan ako. "Let's go, Miss Rodriguez?"

"S-sige po, Ma'am..."

Kinakabahan ako pero habang naglalakad kami sa hallway, pilit kong kinakalma ang sarili. Parang nawala ang antok ko ah? Ano kaya ang itatanong nitong teacher namin?

Pagsarado ko ng pinto ay huminga ako nang malalim. "Uhm... Ma'am. Bakit n'yo po ako pinapunta dito?"

She smiled widely before sitting to her swivel chair. "Miss Sadelma recommended you to represent the ABM strand for the Miss STEC this coming December 10," I gasped when she spoke. "We already know that Miss Sadelma won last year and I was planning to represent her for ABM strand but she refused and told me to represent you instead."

"P-pero, Ma'am... ano..." hindi ko na maipagtagpi-tagpi ang sasabihin. "Nahihiya po ako kaya..."

"Oh my..." napatalon ako sa pagtayo niya. "You don't have to be shy, Miss Rodriguez dahil may practices naman na mangyayari. I will guide you okay?" I bit my lower lip.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now