Three

225 5 0
                                    

Chapter 3.

Feeling Ko.

Tulala ako habang kinakawayan ang kotse ni Kuya Carson na papalayo. I can still feel my cheeks are burning. Hinatid niya ako at baka sa susunod ay ihahatid niya ulit ako. I am looking forward to it kaso... ang daming binigay na vitamins ni Dra. Maria kaya matagal-tagal pa bago ko sila makikita.

Napanguso ako at pumasok na sa loob ng bahay. I heaved a sigh and stared at our small house. Ang totoo, hindi pinaalam sa akin nina Lola na pupunta sila ng probibsiya. I will be alone here for 4 days.

May occassion doon na alam kong... hindi ako imbitado.

I shouldn't feel this sadness dahil pupunta naman ako sa birthday ni Lucius. Pasalamat ako kay Tito Andre na inimbita niya ako.

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang ireregalo ko sa aking kapatid. It is a lucky charm anklet. Nagsimba ako pagkatapos kong mabili ang anklet para may blessing na ito. Alam kong gusto ni Lucius magsuot ng anklet pero hindi siya pinapayagan ni Mama kaya pwede niya itong itago pansamantala. I hope he'll like this...

Hindi nagtagal ang mga araw. Sumapit ang birthday ng kapatid ko.

Wearing a beige dress with my ponytail hair, pumasok ako sa napakalaking bahay ng mga Givara. Kinakabahan man, tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ko.

"Oh? You're here," napatalon ako nang kaunti sa boses ni Mama. "Inimbita ka ng asawa ko?"

"M-Mama..." I stuttered and reached for her hand for a greeting but I already expect that she will not let me hold her hand. Napapahiya akong tumayo nang maayos. "Uh... Yes po, inimbita ako ni Tito Andre."

Nakita ko ang pagngiwi niya. She don't look happy seeing me here and I understand that. "Tulongan mo sila Manang sa paghahanda, huwag ka lang umupo."

"Yes po..."

Bumagsak ang magkabila kong balikat. Just like what happen to Laura's birthday party. Sa likod lang ako ng kusina kumain dahil ayaw ni Mama na nakikisalamuha ako sa iba nilang bisita. Sanay ka naman na, Savannah kaya ayos lang. Ang importante ay nakarating ka rito.

Sobrang tuwa nila Manang nang makita nila ako. They don't want me to do their chores kaya ang nangyari, umupo lang ako at pinapanood silang nagtatrabaho. Mas mabuting tumulong ako kaysa magmukmok.

Umalis ako sa dirty kitchen at tumungo sa garden kung saan naroon ang party.

Tighugas lang naman sila Manang at iyon lang din sana ang gawain ko pero dahil ayaw nila akong pagalawin, dito nalang muna ako sa labas.

"Uy Laura, Ate mo iyon 'di bah?"

"Taray naman... ganda talaga ng Ate mo 'noh?" napalingon ako sa grupo ng mga babae at nakita ko nga doon ang kapatid ko.

Nginitian ko sila at nginitian naman nila ako pabalik maliban kay Laura na inirapan lang ako at hinila na palayo ang kaniyang mga kaibigan. Napabuga ako ng hangin.

My eyes twinkled when I saw Lucius standing infront of the crowd, receiving his gifts from the visitors. Agad naman akong pumila at hinanda ang regalo. He is sulking at marahan akong natawa dahil roon. Ramdam kong pagod na siya at nangangalay na.

"Happy Birthday, Lucius Rick!" nanlaki ang mata niya nang ako na ang magbigay. "Ate has a gift for you!" dugtong ko at pinakita sa kaniya ang anklet na hawak.

"I don't like that," I was taken back when he said those. My smile slowly faded away.

"A-ano?" gulat na tanong ko. "Ate bought it for you, Lucius..."

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now