Eight

210 8 0
                                    

Chapter 8.

Don't Like.

Mabilis lumipas ang mga araw. Natapos ang paglibing ni Lolo at nag-stay ako sa bahay ng mga Rodriguez sa Amerika. Shealtiel wants to play with me but Sebastian always distract me, gusto niya akong kausapin para tulongan ko siya sa upcoming lessons niya.

Kuya Carson is staying in a condo far from this house. Si Xia, Apollo at Dianne ay umuwi na noong nakaraang linggo. Sa susunod na linggo pa ang uwi ko para ipagpatuloy ang pag-aaral.

"Ate Ellie! Sa house ka naman namin magsi-celebrate ng Christmas 'di bah?" Shealtiel asked hopefully.

Napatingin ako kay Tita Mina na napalingon sa tanong ng kaniyang anak. Kahit mabait siya sa 'kin, ayaw kong makidalo sa kanila kapag Pasko o Bagong Taon. Mas gusto kong si Lolo at Lola ang kasama ko pero ngayon... hindi ko alam kung saan na ako pupunta.

Sabi ni Papa, dito na titira si Lola para sa maintenance niya kaya mag-isa na talaga ako habang buhay hanggang sa makapagtapos ako ng college. Papa will still support me through my financial abouts.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at piniling hindi na sagutin si Shealtiel. I don't want to give him false hopes.

Nakikita ko sa kaniya si Lucius na sa tuwing nadidismaya sila, pareho silang dalawa na hindi makontrol ang galit. Ayaw kong makita ang bagay na iyon kaya mabuti pang umiwas na ako.

"Where are you going?" tanong ni Tita Mina nang makita akong palabas.

I stopped and faced her. "Sa labas lang po, Tita. Bibilhan ko ng laruan si Shealtiel. Nagtatampo kasi..." tugon ko at tiim niya akong tinitigan.

"Okay, but can I ask?"

"Sure po, ano po iyon?" I politely asked back and she sighed.

"What are your plans for Christmas?" nanlaki ang mata ko saglit, hindi inaasahan ang tanong niya.

"Uhm... ano po--"

"Please answer me honestly," she cut me off.

Bigla akong na-pressure. "Ano po... wala pa akong plano para sa Pasko pero feeling ko, maghahanda lang po ako ng simpleng handa sa condo." nakangiting sagot ko.

"Why don't you celebrate with us instead?" my jaw slowly dropped. "It's fine for us, Ellie."

"Huwag na po, Tita. Nakakahiya naman--"

"No. It's fine, Ellie. You should be more comfortable with us okay? My son really likes you and I don't want to see him being sad," tumango nalang ako. "You may go now. Take care okay?"

"Salamat po."

Lumabas ako ng bahay at nagpahatid sa driver papunta sa malapit na mall. Binigyan ako ng pera ni Papa kahapon dahil baka gusto kong gumala. I heaved a sigh and looked at the dollar bills inside my purse. Ang dami... ano kaya ang pwede kong bilhin para kay Shealtiel?

Mabilis akong nakarating sa mall. Sinabihan ko ang driver na tatawagan ko nalang siya kapag magpapasundo na ako.

"Uhm Miss?" agaw-pansin ko sa sales lady. Pinatingnan ko ang teddy bear na dala. "How much is this stuff toy?" I asked.

"Oh... it's 3 dollars only, Ma'am."

"I will buy this." ngiting sabi ko.

She guided me to the cashier at bago ako makarating ay napakurap ako nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. It was Kuya Carson who is holding a red teddy bear. Napansin niya agad ako.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now