Twenty

266 6 1
                                    

Chapter 20.

Maxi.

"I-ibebenta mo ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Dianne matapos kong sabihin na ibebenta ko ang condo ko.

Bumuga ako ng hangin. "Alam na ni Papa ang pagbubuntis ko at dismayado din siya sa nalaman," mapait akong napangiti. "Sinabihan ko siya na ibebenta ko 'tong condo para may mapag-ipunan akong pera... at 'yung mga gamit na hindi ko pa nagagamit ay ibebenta ko rin,"

Her jaw dropped a bit. "Saan ka na titira ngayon?"

"Ano... maghahanap ako ng mumurahing apartment sa probinsiya--" she cut me off.

"Probinsiya?! Ang layo no'n, Savannah!" reklamo niya at umiwas lang ako ng tingin. "Tutulongan kitang humanap at habang nagbubuntis ka, mag-aaral naman ako."

"You'll come with me?"

Determinado siyang tumango. "Oo, kahit saan ka pumunta, sasamahan kita. May public university naman ang mga probinsiya kaya pwedeng-pwede akong mag-aral doon."

Napakurap ako. "May kurso bang Business Ad sa probinsiya?" walang alam na tanong ko.

"Meron 'yan," tipid na aniya.

I pouted and think of something. "Titigil muna ako sa pag-aaral ngayong school year,"

"Aba! Dapat lang! Alangan namang papasok ka sa school na malaki ang tiyan!" mas lalong humaba ang pagnguso ko. "Chos! 'Wag mo akong tingnan ng ganiyan. Hindi ka pwedeng magpa-stress at ang dapat sa 'yo, magpahinga palagi at kumain sa tamang oras."

"Hindi naman pwede iyon... dapat may gawin ako para magkapera. Pwede akong magbenta ng cookies or mga pagkain na kaya kong lutoin..." mahinang sabi ko at tumango siya.

"At tutulongan naman kita,"

"Ayos lang bah kila Tita na sumama ka sa 'kin? Wala silang alam."

Umirap siya. "I'm already independent, wala silang magagawa sa mga desisyon ko dahil may tiwala sila sa akin." she then winked at me. "Don't worry, ayos lang kay Mama. Basta si Mama na ang magsasabi na ayos lang, wala nang aangal."

"Sabi mo 'yan ah..." paniniguro ko.

Humalakhak siya. "Huwag ka na ngang mag-alala diyan! Para kang binagsakan ng langit sa mukha mo."

I heaved a sigh and just nodded. Natulala ako saglit nang masulyapan ko ang painting na bigay sa akin ni Mama noon. A bitter smile crept into my lips. I will still keep it.

Nag-impake kami ni Dianne matapos siyang makahanap ng affordable na apartment sa probinsiya. Advance enrolment ang nangyari sa kaniya kaya chill na chill na siya ngayon. It was good that her course is there, hindi na kami nahirapan.

"Dianne..." I called her when I suddenly feel sick.

Lumabas siya galing sa kusina at nagtataka akong tiningnan. "Oh? Napa'no iyang mukha mo?" tanong niya.

"N-nasusuka ako..." saad ko at nataranta siya. Gusto ko sanang tumayo pero pinigilan niya ako at nagmamadaling kumuha ng balde sa banyo. I puked and almost lost my own senses.

I felt so weak after that. Pinagpahinga ako ni Dianne. I was busy making new social media accounts nang bigla akong nakaramdam ng pagsusuka. Kahit wala nang lumalabas sa lalamunan ko, patuloy pa rin ako sa pagsusuka. That feel so weird...

Sinandal ko ang sarili sa sofa.

"Okay ka na?" tanong ni Dianne at inayos ang buhok ko. "Nagluto ako ng adobo. Kumain ka na,"

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now