Thirty- Six

247 3 3
                                    

Sorry po kung natagalan sa pag-update. Dami kasing gawain sa school especially sa performance task namin. Huehehehehe. To the readers who waited, thank you for being patient. Happy Reading!

Chapter 36.

Kitchen.


My face is still burning. Kinikilabutan pa rin ako dahil sa nangyari.


We kissed! It's not just a peck but a kiss!


Hindi naman yata ako nag-iilusyon kanina 'di bah? Pero kung iisipin ko ang paghahalikan namin ni Carson ay para akong nanaginip ng gising. Can someone slap me or punch me right now? I couldn't believe it!


Sinulyapan ko silang dalawa ni Magnus na nag-uusap. He looked serious while Magnus is just smiling like a dog infront of him.


Niyakap ko ang sarili at napatulala sa pool. Mariin akong napapikit.


If Magnus did not come... mas malayo bah ang aabutin namin-- Jusko! What am I thinking?!


Tama na, Savannah. Kumalma ka lang. Baka ito ang magiging dahilan ng pagkabaliw mo kung ipagpapatuloy mo ang pag-iisip sa nangyari. Pero siya ang umatake sa akin... Could it be?


No. Impossible. There's no signs that he likes me.


"Hey," napaigtad ako. "Tulala ka, ah?" kusa nang uminit ang buong mukha ko nang umupo si Magnus malapit sa akin. Malakas siyang natawa. "Don't worry, hindi ko naman nakita ang ginawa ninyo."


"I don't believe you," ani ko.


Mas lalo siyang natawa pero nang makita na seryuso ako, umayos siya ng upo. "Hindi nga, Savannah. Nadatnan ko lang kayo na magkaharap. Iyon lang-- 'wag mo nga akong tingnan ng ganiyan. Nakakatakot ka."


Umiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. "Kamusta nga pala ang anak ko?" pag-iiba ko.


Sumilay na naman ang ngiti niya. "Maxi is fine. She's having fun with Crisanna and Zed." tumango naman ako. "Balak ko sanang isama siya pero naisip ko na baka delikado."


"Yeah right. Your Mom assured that my daughter will be fine in their hands and I trust them,"


"Tuwang-tuwa nga si Mommy na nadagdagan ng isa ang stress reliever niya," nakangiting sabi niya habang nakatitig sa kahoy. "Ang mga bata ang naging kasiyahan niya tuwing naaalala niya si Ate."


No wonder Tita is so happy when she met Maxi. Lalo na't may pagkakahawig ang anak ko kay Ate Maria.


Magnus cleared his throat. "Nakaplano na raw ang kasal ninyo ni Kuya?" siya naman ngayon ang nag-iba sa usapan. "Sabi ni Marie, malapit niya nang matapos ang gown mo. Naks naman! Marami na namang pagkain nito."


I laughed. "Puro ka talaga pagkain. Asikasuhin mo nga ang girlfriend mo,"


"Wala naman akong girlfriend." tanggi niya sabay tawa.


Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Ano raw? So ano sila ni Dianne Ruth? Oh my gosh... ako lang bah ang nag-a-assume na sila na?


"A-ano?" gulat na ani ko at kumunot ang noo niya. I cleared my throat and wierdly smiled. "Hahaha... wala ka nga palang girlfriend." ulit ko sa sinabi niya kahit gusto ko na siyang kutosan. Ano ang ibig sabihin ng pahalik-halik niya sa kaibigan ko kung hindi naman sila?!


May sasabihin pa sana siya nang sumulpot si Carson na may hawak na panibagong pitsel ng juice.


"Are you talking about me?" seryusong tanong niya.


I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon