Thirty- Three

210 4 1
                                    

Chapter 33.

Cup.


I woke up in the hospital. Dahan-dahan akong bumangon at biglang napahawak sa sariling noo dahil sumakit ito. I swallowed some air and closed my eyes for a second.


"You okay now?" nagulat ako nang marinig ang boses ni Carson.


He's on my side! Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang ulo ko. "Ruth told me everything. Nadatnan niya ang kapatid mo na inaaway ka,"


Umiwas ako ng tingin. "Where is she?"


"Who?"


Bumuntong-hininga ako. "Si Dianne. Gusto ko siyang makausap," nagkatitigan kaming dalawa.


"Binabantayan niya si Maxi," bumagsak ang magkabila kong balikat. "Apat na oras kang tulog. The doctors said that your back is bleeding but the wound is not that deep so... wala kang dapat ipag-alala. Your sister pushed you too hard... didn't she?" I slowly nodded. "I talked to her..."


Nanlaki ang mata ko. "You... what?"


"Pinagalitan ko," tipid na sagot niya at nalaglag ang panga ko. "She can be put in jail because of what she did to you. Wala siyang karapatan na saktan ka--"


"Hindi mo na dapat pinagalitan,"


That made him blinked alot of times. "Why are you still so kind when it comes to her even though she already hurt you countless times?" may halong inis sa boses niya na tinanong iyon. "Kahit kapatid mo siya, Savannah. May karapatan kang pagalitan siya. Look what happened to you."


Nawalan ako ng salitang isasabi kaya tumahimik ako.


"I told her not to see you again,"


"Carson. She's still my sister--"


"But she need to learn!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. "Sobra akong nag-alala sa 'yo lalo na ang anak natin! Isipin mo muna minsan ang sarili mo bago ang iba."


Mariin akong napalunok sa sinabi niya. I can see hint of different emotion in his eyes as he said those words. Patago ako napailing. Baka namamalikmata lang ako.


Hindi na ako nagsalita hanggang sa pumasok ang isang nurse kasama ang isang doctor. They asked me questions and checked my body. Sa pagtatanong nila ay doon ko lang naramdaman ang pagsakit ng likod ko. May sugat nga ako... pero dahil sa nilagay nilang gamot ay hindi ito masyadong humahapdi.


Carson went out to the room to buy dinner. Baka mamayang alas 10 ay pwede na akong lumabas rito. Iyon ang sabi ng doctor.


"Let's eat," he said as he put the food infront of me.


"Bakit 'di ka pa kumain?"


"Gusto ko sumabay sa 'yo," tugon niya at umupo sa upoan na nasa gilid ng kama ko. "Kumain na tayo." anyaya niya at tumango ako.


Sa gitna ng pagkain namin ay tumunog ang cellphone niya. Nagkatinginan kami bago niya kinuha ang cellphone.


"Daddy!" natigil ako sa pagkain nang marinig si Maxi. "How's Mommy po?"


"Mommy is already fine, baby." nakangiting sagot ni Carson at sinulyapan pa ako. "Maybe later ay uuwi na kami."


"Really? Can I talk to her?"


Inabot niya nga ang kaniyang cellphone sa akin. I talked to my daughter while Carson is eating infront of me. Sinubokan ko ring pagsabayin ang pagkain habang kinakausap ang anak ko pero nang mapansin iyon ni Carson ay siya na mismo ang sumubo sa akin.


I Fell For A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon