Eleven

211 7 1
                                    

Chapter 11.

Slap.

Ba't ganoon? Hindi ko bah narinig na in-announce ang pangalan niya sa special guests? Maybe I was too occupied of calming myself. I can't believe it... Katabi ko si Kuya Carson samantalang kinukuhanan kami ng picture.

Ang dami pang nagpalakpakan at naghihiyawan. Hindi ko alam kung dahil bah sa akin o dahil sa katabi kong kulang pa ang salitang 'makisig' para ilarawan siya.

My heart is still pounding so fast. Ako ang nanalo pero hindi ko inaasahan ang ganitong surpresa.

Pagtungo ko sa backstage ay dalawang confetti ang pinaputok dahilan para mapatigil ako. I softly laughed when all of the grade 11 students from ABM strand yelled my name. May korona akong suot at napansin ko agad ang isa sa estudyante na may dala ring flower necklace.

They let me wear it together with my actual crown. Pumalakpak silang lahat at nakipagbeso ako sa ilan. "Ang galing mo, Savannah! Napakagaling mo!"

"Salamat..."

Marami pa ang bumati sa akin bago nila ako hinayaang magbihis. I took off my makeup before I went out of the room. Si Dianne at Xia kaagad ang bumungad sa 'kin. They both hugged me and even squeaked.

They are so proud of me. Proud na proud din ako sa sarili ko. This is really unexpected. Fraxianna was right. Hinding-hindi ko talaga ito pagsisisihan.

"Tambay tayo sa condo mo bukas ng gabi. Pahinga ka muna ngayon," ngiting saad ni Xia.

"Grabe ka, Savannah! Nakakaproud ang pagrampa mo! Idagdag pa ang sagot mo sa Q and A portion! Kaibigan talaga kita!" sigaw ni Dianne.

May nakakasalubong pa kaming mga estudyante na panay ang pagcongrats sa akin. I smiled widely at them. Hinanap ng mga mata ko si Kuya Carson pero sa dami ng mga tao, idagdag pa ang dilim ng paligid ay hindi ko na yata siya makikita. O baka umuwi na?

Patago akong bumuntong-hininga.

Ang sabi ay bukas gaganapin ang dance contest ng grade 7 hanggang grade 12. Gusto ko sanang manood pero naimbitahan ako ni Tito Andre na pumunta sa kanilang bahay dahil Christmas Party nila.

"Congratulations again, Savannah! See you tomorrow okay? Ingat ka!" niyakap ako ulit ni Xia.

"Ingat ka, Savannah! Treat ko na ang pizza bukas!" si Dianne naman ang yumakap sa akin. "Kung aawayin ka na naman ni Laura, sabihan mo ako dahil ako na sasapak no'n--"

"Dianne!" saway ko.

Tumawa siya. "Biro lang! Ingat ka doon bukas! Mwuah! Love you!"

Kinawayan ko silang dalawa. "Mahal ko rin kayo! Salamat. Ingat!" I gave them a flying kiss before I went inside to the building.

May backpack akong dala dahil sa ilang gamit ko. I'm still wearing my crown and the flower necklace as I walked towards to the elevator. Malaki ang ngiti ko nang makasakay. I badly want to tell Mama that I won a school pageant. Sumasali rin kasi si Laura pero... madalas ay 3rd runner up lamang siya o 2nd runner up.

I still remember how Laura yelled at me when I greeted her. Sobrang galit na galit siya sa resulta ng sinalihan niyang pageant. It would be better if I will not tell them about tonight. Maiinis lang lalo ang kapatid ko.

While walking in the hallway, napansin ko agad ang dalawang lalaki na nag-aabang sa labas ng isang kwarto.

It's my room...

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now