Eighteen

198 4 0
                                    

Chapter 18.

Mas Lalala.

Nabitawan ko ang cellphone ko. My whole world also stopped. Dahan-dahan ring nalaglag ang panga ko, hindi kayang paniwalaan ang narinig.

Lumakas ang pagbagsak ng mga ulan kaya mas lalong umingay ang paligid. Tumigil sa pamumuo ang aking mga luha. What did Dianne just say...? Namali lang yata ako ng narinig pero nasa tamang lugar ang pandinig ko ngayon.

Wala na si... Ate Maria.

Napasigaw na ako sa sobrang sakit. My hands are even trembling. Hindi... hindi ito totoo. Bakit siya mawawala? Hindi ako naniniwalang wala na siya!

Dali-dali akong umuwi at nang makarating ako sa sariling condo ay natigilan ako sa nakita. Magnus Sean is here. May hinihintay siya sa labas na halatang ako. Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa.

I held both of his shoulders. "It's not true, right? Hindi totoo ang nalaman ko, Sean 'di bah?" nakatulala lang siya kaya marahas ko siyang niyugyog. "Sagutin mo 'ko! Hindi totoo 'di bah?! Buhay pa ang Ate mo! Buhay pa si Ate Maria."

"Stop it," napatitig ako sa kaniya at dahan-dahang napabitaw. Sinalubong niya ang mga mata ko. "I'm done doing that. Tapos na akong lokohin ang sarili ko."

"Magnus..."

"Wala na si Ate, Savannah. Pinatay siya..." he weakly said. Napatakip ako sa sariling bibig. "Nagwawala na sila Dad ngayon... at hindi ko alam kung saan ilulugar ang sarili ko--" I cut him off by hugging him so tight.

Tahimik na umagos ang panibagong luha sa aking pisngi. I can't believe it. Ayaw kong paniwalaan ang mga pinagsasabi niya.

Magnus cried so hard in my shoulder. Para siyang iniwan na bata sa isang mall at hindi na binalikan. Napahikbi na rin ako habang hinahagod ang malapad niyang likod.

"Ate is not coming back... Hindi niya na kami babalikan. Hinding-hindi na siya babalik pa..." iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Magnus habang iyak nang iyak sa balikat ko.

Sa pagod sa kaiiyak ay nakaidlip siya. I pulled him inside to my room and let him rest in my couch. Napaupo ako at pinagmasdan ang natutulog na binata. Where's your brother right now, Magnus? Kung ganito ang naging reaksyon mo, mas doble ang sa Kuya mo.

Sinandal ko ang sarili malapit kay Magnus at sa hindi inaasahang...

Napatingin ako sa white bracelet na bigay ni Ate Maria noong 18th birthday ko. My tears immediately formed and I cried silently.

"Why so sudden, Ate...?" I whispered.

Hindi pa ako nakakapagbihis kaya pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit. Sobrang basa ng mga damit ko. I wore a jeans and a black top. Lumabas ako at tumungo sa kusina para uminom ng mainit na tubig.

Mga minuto ang lumipas ay hinila ako ng antok dahilan para makatulog ako. I used my arm to be my pillow and sleep.

I don't know if I am inside my dreams or not but I am seeing myself running in the wide garden. Ang daming mga bulaklak na nasa lupa at umiihip ang napakapreskong hangin. My hair was blown away and I was chuckling.

Akala ko ay makikita ko doon si Ate Maria pero wala...

Sarili ko lang ang nakikita ko na tumatawa kasabay ang preskong hangin.

I watched my own self until darkness surrounds the place. May pagtataka na sa mukha ko at inasahan ko nang makikita ko na ang sarili na lumuluha.

I... am in deep pain.

I Fell For A ManUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum