Forty- Five

232 7 2
                                    

Chapter 45.

Muling Pagkikita.


Napahikbi na si Mama sa panenermon sa 'kin. She gently caressed my face. "Akala ko ano na ang nangyari sa iyo. Kung anu-anong iniisip ko habang hindi ka pa nakikita ng asawa mo," she cried. "At ngayong nalaman namin na nagdadalang-tao ka, mas lalo kong sinisisi ang sarili ko na hindi kita naalagaan..."


"Mama... wala po kayong kasalanan," ani ko.


"Pero bakit ka biglang umalis at nawala na parang bula?" 'di ako makasagot. "Huh? Sabihin mo naman, Savannah... Para nang mawawala sa sarili si Carson dahil hindi ka niya mahanap." hinarap niya ako.


Umiwas ako ng tingin.


"Kaya agad niyang hinatid sa bahay ang anak ninyo." tiningnan ko si Maxi na nakatitig sa akin.


Nagsalita na si Laura. "Mama, ayaw pa ni Ate na sabihin ang dahilan. Kumalma ka muna at magpahinga." sabi niya.


I just realized that Zeneth is not talking or speaking a word. Nagmamasid lang siya sa amin at minsan ay tumititig sa akin. I smiled at her to give her an assurance that I am fine. Siguro iniisip niya na hindi ako komportable sa biglaang pagdating ng pamilya ko.


Inutosan ko si Zeneth na kumuha ng tubig para sa kanila pero tumayo si Mama para siya na ang pumunta. Sinamahan sila ni Zeneth at naiwan si Maxi sa tabi ko.


Kita sa mga mata ng anak ko ang pagod. Sinandal niya ang sarili sa akin.


"Am I having a little sister, Mommy?" marahan niyang inilagay ang maliit niyang kamay sa umbok ng tiyan ko. "Your tummy is so big, Mommy..." komento niya.


I caressed her hair. Umabot na sa likod ang haba ng buhok ni Maxi. Pinalagyan rin siya ng bangs. Sino naman ang gumupit nito?


"I missed you... so much, Mommy." inaantok na aniya at humikab.


Napangiti ako. "Mommy misses you too, baby."


"Then let's go home to Daddy..." ramdam kong nakapikit na siya nang sabihin iyon.


'Di na ako nagsalita at pinasandal lang siya. Her small hand is still on top of my baby bump. Napasandal na rin ako sa sofa at dahan-dahang pumikit. Huminga ako nang napakalalim at nag-isip.


Nabanggit ni Mama na si Justine ang nilapitan nila...


Sana walang sinabihan si Mama tungkol rito. Pero malaki ang posibilidad na may alam na si Sebastian nito. Naalala ko pa noon na matapos niyang malaman na buntis ako, hindi na siya nagpakita. Baka isa siya sa tumulong kay Justine sa pagtatago ko?


Don't think too much about it, Savannah. Just relax and think that you are safe.


"Kawawa naman ang apo ko, napagod sa byahe." napadilat ako. "Excited na excited iyang bumyahe kanina dahil ang iniisip niya, makikita ka niya sa wakas matapos ang maraming buwan." bumuntong-hininga ako sa sinaad ni Mama.


"Don't worry, Ate. Wala kaming sinabihan na bumyahe kami papunta rito," I smiled at Laura. "Akin na si Maxi, I will carry her to your room."


Tumango ako at hinayaan siyang buhatin ang anak ko papunta sa taas. Zeneth guided her to my room.


At naiwan kami ni Mama.


Hindi pa rin matanggal ang masamang tingin niya sa akin kaya napanguso ako. She crossed her arms and harshly let out a sigh. "Sa daming lugar na pwedeng pagtaguan, bakit dito pa?"


I Fell For A ManDonde viven las historias. Descúbrelo ahora