Thirty- Four

210 6 1
                                    

Chapter 34.

Media.

"Maganda sana 'to kaso... mas gusto ko ang simple," nakangiting sabi ko sa babaeng kaharap ko.

"Oh! Hindi mo naman agad sinabi na gusto mo ng simple, Miss Savannah." natawa siya nang mahina kaya natawa na rin ako. "How about these gowns? You can choose here." inabot niya sa 'kin ang isa pang libro na naglalaman ng mga gown sketch designs niya.

Patago akong napabuntong-hininga saka tinanggap ang libro.

The person I am talking with right now is a wedding seamstress. Wedding seamstress namin ni... Carson. Ayaw ko pa sanang sumang-ayon pero para kay Maxi, sinunod ko ang gusto ni Papa.

He wants our wedding to happen as soon as possible. Ayaw niyang patagalin ito. Nag-aalala naman ako kay Carson dahil ramdam kong ayaw niya pa rin-- o ako lang ang napa-paranoid at mali-mali na ang nararamdaman ko?

Binalik ko ang tingin sa libro na hawak. Ang daming magagandang gown design pero gusto ko talaga 'yung simple.

"Good afternoon," napaigtad ako sa gulat nang biglang dumating si Carson.

Ang aga niyang nakauwi!

Tumayo si Marie at magiliw na binati ang bagong dating. They're good friends, iyon ang sabi ni Carson. Si Marie din daw ang nag-organize sa kasal ng isang kaibigan ni Carson one year ago at maganda nga ang service niya.

"M-maaga ka..." mahinang komento ko nang maupo siya sa aking tabi.

"Gusto kong sumali," ngiting tugon niya at hinarap na ulit si Marie. Marie handed him the gowns I am choosing. "These looks good but I want the best gown you can do for her, Marie."

Nagkatinginan kami ni Marie. She smiled widely at me, as if she's trying to say something of what Carson said. Napaiwas ako ng tingin at nahiya.

Inabot ni Marie kay Carson ang una kong libro na nahawakan kanina. Sinunod ko kung saan tumitingin ang mga mata niya at nahuli kong tinititigan niya ang gown na napakaganda at iyon ang tinanggihan ko kanina. Iyon ang pipiliin niya. And my instinct was right.

"I like this one," he stated and looked at me. "Maganda sa 'yo ito." sambit niya na nagpatibok nang malakas sa puso ko.

Calm down, Savannah.

"Ah! That gown! Tinatapos ko pa iyan but a month or two, matatapos ko na." tuwang-tuwa naman si Marie habang ako ang tinititigan. "Ini-imagine ko pa lang si Miss Savannah, for sure napakaganda niya!"

Carson let out a soft chuckle. "I agree with that."

Muntik nang tumili si Marie pero mabuti at napigilan niya. I can feel my cheeks are now burning. Na-awkward tuloy ako kaya tumahimik na ako.

And Carson's decision was final. Ang wedding gown na napili niya ay ang susuotin ko sa kasal... namin. I thought he is still the one who'll choose his tux but I was surprised when he handed me the book.

"Ikaw ang pumili sa susuotin ko,"

My eyes widened a bit and that made him laughed a little. "Bakit ako...?"

"Kasi siya ang pumili ng sa iyo kaya ikaw rin ang pumili ng sa kaniya," kinikilig na sabat ni Marie. "Ang cute n'yo tingnan. Bagay na bagay talaga kayo." mas lalong nang-init ang pisngi ko sa dinugtong niya.

Tumikhim na si Carson pero ang ngiti ni Marie ay hindi natanggal sa labi niya hanggang sa matapos ang aming apointment. Sa susunod na buwan ay pwede kaming dumalaw sa kaniyang boutique para makita ang gown na tatapusin niya pa.

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now