Seventeen

211 4 0
                                    

Chapter 17.

Ulan.

Isang buwan ang lumipas matapos ang 18th birthday ko ay napansin ko ang madalas na pagbisita sa akin ni Carson. He's a busy person so it is questionable when he visits me without informing me.

Napatingin ako sa suot kong bracelet. Ang bracelet na bigay ni Ate Maria sa akin na sabi niya, gawa ni Tita Claire.

It's a white flower bracelet.

Ang ganda tingnan lalo na kapag nasisilayan ng haring araw. The white knot make it look more presentable. May pagkakahawig siya sa bracelet na bigay ni Lolo sa akin noon.

"Savannah," I blinked and looked at the person who called me.

To my surprise, si Justine. Tumayo ako at hinarap siya. "Oh Justine? Sinusundo mo na ako? May group meeting pa kasi kami kaya pwede ka nang mauna umuwi," ngiting sabi ko at napasimangot naman siya.

"Gusto ko sabay tayong magdinner," giit niya na mas lalong nagpagulat sa akin. Napansin niya ang naging reaksyon ko dahil bumuntong-hininga siya. "Sa labas lang ako maghihintay."

"Uh..." bago pa ako makapagsalita ay naglakad na siya palabas. "Sige..." dugtong ko.

'Di nagtagal ay dumating ang mga ka-groupmates ko. We formed the chairs into a circle and planned our project. May bumubulong pa sa 'kin na naghihintay na sa labas ang kaibigan ko which is si Justine.

I told them na ayos lang, kailangan naming tapusin ang meeting na 'to dahil sa susunod na mga araw, iba naman ang gagawin namin.

Humigit ng isang oras ang meeting hanggang sa ang leader na namin ang nagsabi na umuwi na kaming lahat. Lumalalim na din kasi ang gabi kaya kinailangan na talaga namin na umuwi.

Justine looks tired as I went out of our classroom. Pinagtitinginan kaagad kami ng ilan sa mga estudyante.

"Ayos ka... lang?" marahang tanong ko.

Tipid siyang tumango at umuna nang naglakad. Napakurap ako at hindi makapaniwala na tinalikuran niya ako. Something is wrong here and I don't know what is that.

Sinundan ko siya hanggang sa makababa kami. Akala ko ay mananatili siyang tahimik pero nang marating namin ang kaniyang kotse ay hinarap niya ako bigla.

Literal na natigil ako sa pagsunod at napaangat ang tingin sa kaniya.

"Justine..."

"Birthday ko ngayon, wala bang greetings diyan?" my eyes widened on what he said.

Nalaglag ang panga ko. "Oh my gosh... Justine, I am sorry. Nawala sa isip ko--"

"Ayos lang. Sanay naman ako," 'di ko alam pero nakaramdam ako ng awa nang sabihin niya iyon. "Palagi mo nalang nakakalimutan ang birthday ko kaya ayos lang."

Sinubokan ko siyang abutin at nang mahawakan ko siya sa siko ay mariin akong lumunok. I don't want to make excuses again... He would feel bad. Last birthday niya, ganito rin ang nangyari. Naalala kong muntik na siyang maiyak sa sobrang expect niya na naaalala ko ang birthday niya.

Gusto kong sapuin ang noo ko at wala sa sariling nayakap siya.

I felt him became stiff. Nagulat siya sa biglaang pagyakap ko. "Sorry... I'm so sorry. Ayaw kong gumawa na naman ng excuse dahil mas lalo kang malulungkot. I am so sorry,"

Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko. Hindi pa rin siya nagsalita kaya huminga ako nang malalim.

"Justine... sorry na kasi..." marahan na sambit ko.

I Fell For A ManOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz