Twenty- Six

264 5 0
                                    

Chapter 26.

Box.

Napabuga ako ng hangin nang matapos ko ang trabaho ngayong umaga. Pinuntahan ako ng kabilamg department para imbitahin na kumain sa karinderiya. Sinabihan ko sila na hindi ako pwede kasi may gustong makipagkita sa akin.

Si Justine.

Paglabas ko ng building ay sinalubong niya agad ako. He was smiling so widely. "You looked tired," komento niya.

"Hindi naman..." pagtanggi ko at ngumiti pabalik. "Kanina ka pa bah?" I asked.

Umiling siya. "I just arrived,"

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kaniyang kotse. Siya na mismo ang nagsuot sa seatbelt. I thanked him and waited for us to reach the restaurant he is talking to. Medyo malayo raw sa agency ko kaya nag-aalala siya na baka mapagalitan ako.

I told him not to worry. Hindi naman ako magta-time in after lunch so walang problema.

Pagdating namin sa restaurant ay nagulat ako dahil nakilala ako ng isa sa waiter. He looked familiar pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

"Parating na rin si Kuya Carson mo, Savannah." my face frowned. Napansin niya ang reaksyon ko at natawa siya. He let me look his name pin and as I looked at it.

"Kuya Fernand...?"

He nodded. Naalala ko na siya! Siya 'yung laging nag-aasikaso sa amin ni Ate Maria noon. I almost forgot this restaurant. Ngayon lang ako nakabalik rito simula noong mawala si Ate Maria. Walang nagbago sa mukha niya. Gosh...  bakit ko naman siya kinalimutan?

Naalala ko pa na inaasar niya ako kay Carson noon. Napansin niya raw kasi ang paninitig ko kay Carson. Napapailing nalang ako nang maalala ko ang bagay na 'yon.

"You know him?" tanong ni Justine pagkaupo namin sa table.

"Uh... yeah. Siya kasi ang palaging nag-aasikaso sa amin ni Ate Maria noon," nilingon ko si Kuya Fernand na nagtatawanan na sa isang foreigner. "He's a good waiter since then."

"I see..." sang-ayon ni Justine.

Nag-order kami ng makakain at nang matapos ay napatitig ako sa entrance door ng restau. Mabilis pa sa hangin akong napaiwas ng tingin dahil ang bagong pasok ay ang lalaking ayaw kong makita.

Galing siya ng trabaho. Halata naman sa suot niya. I glanced at him and my heart thumped so fast when I saw him staring at me.

I felt uneasy in my seat.

Pasalamat ako kay Kuya Fernand dahil sinalubong niya si Carson at naputol ang paninitig nito sa 'kin.

"Savannah? Are you listening?" napakurap ako at napatingin kay Justine. "Where are you looking at?" he curiously asked.

"Ah... wala! Hahaha... pagod lang 'to," pagsisinungaling ko.

Marahan siyang natawa. "Don't work too much, Savannah. Kahit tulala, ang ganda mo pa rin ah? You really did not change," I smiled on what he said. "Anyways, I planned to treat you this weekend. Kayo sana ni Maxi at Dianne but you said you're going to meet your father this weekend so... is it okay if next weekend nalang?"

"Nakakahiya naman sa 'yo pero sure," lumapad ang ngiti niya. "Saan tayo pupunta?"

"Wherever you like. You decide,"

Umawang ang bibig ko. "Ba't ako magdedesisyon? It should be you, Justine." tinawanan niya ako. "Ikaw na nga ang manlilibre, ako pa ang papipiliin mo. I don't want it like that. Ikaw ang magdesisyon."

I Fell For A ManWhere stories live. Discover now