Two

278 8 0
                                    

Chapter 2.

Perfect.


"Oh? Para saan 'to?" napangiti ako kay Dianne nang matingnan niya na ang cookies na nilagay ko sa kaniyang desk. "Cookies? Mali ka yata ng binibigyan--" I cut her off.


"Para sa 'yo talaga iyan," umawang ang kaniyang labi. "Salamat at binantayan mo ako noong nakaraan sa hospital. At para ipakita sa iyo ang pagpapasalamat ko, nagbake ako ng cookies." tuwang-tuwa na ani ko at binuksan na ang container.


Ilang beses siyang napapakurap saka kumuha ng isang cookie. When she took a bite, na-excite agad ako sa magiging reaksyon niya. "Woah... ang sarap nito. Ikaw bah talaga ang nagbake?" napapalakpak ako dahil nasarapan siya!


"Yep! Kagabi ko lang iyan binake,"


Sinandal niya ang likod niya at tiim akong tinitigan. "In fairness, ang sarap mo magbake," marahan akong natawa.


Napatingin ako sa wall clock ng classroom. Malapit nang dumating ang teacher namin kaya bago siya dumating ay dapat naimbita ko na si Dianne na maglunch kasama ako. I want to have a really good relationship with her. Gustong-gusto ko siyang maging kaibigan.


"Dianne," nilapit ko ang mukha sa kaniya. I reached for her hands and hold it tightly. "Pwede bah tayong... sabay maglunch?" tanong ko.


She tilted her head. "Ayos lang naman sa akin--"


Malapad akong napangiti. "Sabay tayong lumabas, ah? Lalapitan kita mamaya!" mahina siyang natawa at tumango. That was the first time I saw her laugh genuinely.


I am excited to meet her!


Dumating nga ang teacher namin at nang magsimula siya ay bigla kong naisip si Kuya Carson. Pinilig ko ang aking ulo at mariin na napapikit. Bakit siya biglang pumasok sa isipan ko? Stop it, Savannah! Malaki na ang lalaking iyon at hindi ka dapat magkaroon ng interes sa isang tulad niya.


Napabuga ako ng hangin at sinubokang ituon ang pansin sa klase. I wrote down some notes dahil malapit na ang final examinations namin. Maybe by next week ay malalaman na kung ano ang schedule naming lahat.


I'm already in my first year highschool. Advance kasi ang pagpapaaral sa akin noon. Ako ang pinakabata sa section namin dahil 12 years old na ako. I just turned 12 last month at ang mga kaklase ko, katulad ni Dianne ay malapit nang mag-fourteen.


Hindi naman ako naiiba sa kanila dahil matangkad ako na bata.


"Tara na?" napaangat ang ulo ko kay Dianne nang lumapit siya sa akin. Napatayo ako. "Ows! Mag-ingat ka nga, sobra ka namang excited."


"Excited talaga ako na makilala ka!" kumunot ang noo niya. I giggled and immediately clung my arm to hers. "So tara na? Gutom na gutom na ako. Ang sabi ng doktor ko, dapat kumain ako ng marami para maging mas malusog pa ako!"


Hindi siya nagsalita pero nakangiti lang siya.


Nang makarating kami sa canteen ay binili namin ang gusto naming kainin. Mabuti at expelled na sila Trisha kaya wala na akong poproblemahin hanggang sa sasapit ang moving up ceremony.


We talked alot while we are eating our meal. Ang dami din palang baon na jokes ni Dianne. She's very talkative. Panay ang pagtawa ko sa mga biro niya. Ang angas niya din magsalita, idagdag pa ang mahaba niyang buhok at tamad niyang mga mata.


She's actually beautiful. Sleepy eyes, a bit fair skin and long legs. Maganda din ang curves ng katawan niya. She looked matured.


Habang ako ay ang height ko lang ang mukhang mature. I have a short wavy hair and a bangs. May headband rin ako na kulay puti. I look like a soft girl because of the way I stand myself. Mahinahon ako magsalita kaya mas lalong nadepina ang pagiging malambot ko.


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now