Forty- One

235 5 0
                                    

Nawala bigla ang WIFI kaya ngayon lang nakapag-update ulit. Sarry mwuah!

Chapter 41.

Eyes Don't Lie.


Hindi ko inaasahan na sa pagbalik namin ni Carson sa Pinas ay may nakahanda pala sa amin na surpresa galing sa aming pamilya. Lots of gifts were presented to us at hindi ako makapaniwala na kaswal nang nag-uusap si Mama at Papa na kahit si Tita Mina ay kasali sa usapan.


I was smiling the whole time as I watched both of our families is having a good time with each other.


Samantalang ang asawa ko ay panay ang pag-inom ng alak kasama ang kapatid at ilang pinsan niya. I sat down beside my daughter while she is playing her toys.


"Kamusta ang honeymoon?" nabaling ang atensyon ko sa aking kaibigan na nakangisi na. Umupo siya sa tabi ko at bahagya akong siniko. "Narinig ko kay Carson na ang saya niyo raw, ah?" nanunuksong aniya.


Pabiro akong umirap.  "Siya lang kaya ang nasiyahan,"


She looked at me with an amused look in her face. "Pano naman ikaw? Don't tell me, walang nangyari sa isang buwan ninyo sa Australia?"


Nang-init agad ang pisngi ko. "Siyempre... may nangyari--" hindi pa nga ako tapos magsalita ay tumili na siya.


"Araw-araw niyong ginawa 'noh?" excited na tanong niya at tamad ko siyang tiningnan kaya tumili ulit siya. "Jusko! Ako ang pinagpapawisan sa inyo! So ano nga? Kamusta siya sa kama?"


"Dianne. Nasa harap tayo ng mga bata, hinaan mo lang ang boses mo." saway ko at bumungisngis lang siya.


Nilapit niya ang kaniyang sarili sa tenga ko. "So ano nga?" bulong niya.


I heaved a sigh and looked away.


"Hala siya! Kinikilig ka na agad?" pang-aasar niya kaya hindi ako nakapagsalita. She chuckled and tapped my shoulder. "Pero halata naman na masaya ang naging bakasyon ninyo."


Masaya... Sobrang saya talaga. Ibinulong ko nalang iyon sa sarili ko at nakipag-usap sa kaibigan ko sa ibang bagay. Hindi pa masyadong halata ang umbok ng tiyan niya pero napansin kong magana siyang kumain at tumaba nang kaunti. She mentioned that she and Magnus will get married by next year.


Nagtagal ang usapan naming dalawa hanggang sa makaramdam na ako ng gutom. Sakto namang tinawag siya ni Magnus kaya naghiwalay kami.


I was busy putting a food in my plate when I felt an arms snaking my waist.


Hinarap ko para malaman kung sino at sumalubong nga sa akin ang namumungay na mata ni Carson. He's not drunk. Tipsy lang dahil alam ko kung paano malasing ang lalaking 'to.


"Kumain ka na?" I asked.


Nakanguso siyang umiling. "Gusto ko ikaw ang kakainin ko," bulong niya.


I laughed a bit and turned to continue getting a food. "Kainin mo sarili mo. Gutom ako," asik ko.


He groaned softly. "Pwede namang ako nalang ang kainin mo," kahit nanindig ang balahibo ko sa ibinulong niya ay nagpanggap akong hindi naapektuhan. "Masarap kaya ako."


"Ewan ko sa 'yo." iyon ang sinagot ko at sumuko na yata siya nang 'di ko na siya pinansin ulit.


Patago akong natawa dahil gaya ko, kumuha rin siya ng plato at kumuha ng pagkain. Seryuso ang mukha niya habang namimili ng kakainin at sinadya kong iwan siya para pakainin ko rin si Maxi.


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now