Forty- Eight

238 6 2
                                    

Chapter 48.

Mall.


'Di ko alam kung ilang oras kaming nagtagal sa labas ng bahay. Maxi was enjoying playing with Whirange, ang kuting na nahanap niya kanina. She even said na dadalhin niya ang kuting sa Maynila para makalaro ng mga aso niya. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong sila lang ni Carson ang magkakaintindihan.


I sighed when Maxi hugged her kitten tightly. Tinitigan ko kasi ang kuting, akala niya siguro itatakwil ko na naman.


"Maxi," I called my daughter after she put the kitten in her room.


"Yes Mommy?"


"How was your school? Did you do good while Mommy is away?" I asked. She nodded. "Can you tell how was it? Hmm?"


Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang sarili. "My teacher said I am the top 2 in our class... then she gave me a lollipop when I got the perfect score in our art class," napangiti ako sa mga sinabi niya. She shared alot and I am glad that she's doing good in her class. I want to give her something but maybe next time. Gusto kong special ang ibibigay ko.


That cute conversation ended because Maxi accidentally slept while leaning in my body. Nadatnan kami ni Carson at marahan siyang natawa sa nakita. He pulled Maxi and carried her to the room.


Dahan-dahan akong umayos ng upo at napaisip sa pag-uusap namin ni Carson kanina. My cheeks really burned when I remembered his last statements.


Hindi ko inasahan na iyon ang sasabihin niya...


Pero 'di pa rin matanggal sa isip ko na si Uncle Denzel ang may pakana sa pagkamatay ni Ate Maria. Kahit ilang taon na ang lumipas, masakit para sa akin na wala na si Ate pero mas masakit na ang isa sa kamag-anak ko ang may kasalanan.


Carson already had the concrete evidence. Kahit ano pa ang sabihin ni Uncle kung sakaling mahuhuli siya... wala na siyang laban pa.


All of the evidence are pointing at him.


Alam na bah ni Papa ang lahat ng ito? Kahit hindi sila masyadong close ni Uncle Denzel, malakas ang pakiramdam kong mag-aalala siya. Oh God... ano kaya ang nangyari kila Papa no'ng mawala ako?


Nagalit bah siya? I lost contact with my brothers, hindi ko naman natanong si Mama at Laura.


"What do you want for dinner, hon?" naputol ako sa pag-iisip nang sumulpot ang asawa ko sa harapan. "Looks like my wife is thinking of something. Care to tell me, honey?" malambing na dugtong niya.


Bumuntong-hininga ako. "Iniisip ko lang ang magiging reaksyon ni Papa sa oras na malaman niya ang ginawa ni Uncle." malungkot na sagot ko at napatitig siya sa 'kin.


A little smile crept into his lips. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nagulat ako at nailang. "You don't have to worry, Savannah. Alam na ng Papa mo ang totoo and he supports my decision," my eyes widened, mas lalong nagulat sa sinaad niya.


He squeezed both of my hand and smiled wider. "Masaya nga ako dahil tinulongan niya ako sa paghahanap. I even thought he'll refuse but surprisingly, he didn't."


We stared at each other and I went stiffed when he suddenly leaned his face to reach my lips. He kissed me slowly and even tilted his head to feel my lips more.


Siya ang unang humiwalay. We're both panting and then he slightly chuckled.


Hinaplos niya ang pisngi ko.


I Fell For A ManWhere stories live. Discover now