Chapter 1: "Young Master Teiro"

556 56 4
                                    

Chapter 1: "Young Master Teiro"

Teiro's point of view

LUMAKAS ANG bugso ng ulan nang papauwi na kami sa mansion.

Halos hindi na makita ang daanan sa kumakapal na hamog at ang tubig na walang tigil na umaagos sa windshield ng sasakyan.

Paulit-ulit ding maririnig ang malakas na kulog at kidlat sa sobrang itim na kalangitan. Nahahawi kahit ang malalaking sanga ng mga punong aming nadadaanan sa lakas ng bugso ng hanging inaasahan na yata ng lahat no'ng nasa sementeryo pa lamang kami na ito'y mangyayari.

I tried sliding down the sideglass of the car beside where I'm sitting.

"I won't do that, if I were you." malamig na boses ang nagsalitang nagpatigil naman sa binabalak ko.

Sya ang driver ko ngayon nitong itim na sasakyang pagmamay-ari pa ng dati kong driver na namayapa na. . .Kani-kanina lang.

"I just want to see what's happening outside."

"Hindi gusto ng dad mo na sinusuway sya. Kasama sa rule #165 ang hindi dapat pagsuway sa driver mo kapag nagmamaneho ito. You also knew the consequence kapag sinuway mo 'ko, 'di ba?"

"Pero si Manong Roli, hindi naman ako pinagbabawalan kapag nagmamaneho sya noon eh."

"Hindi ako katulad ng pabayang matandang 'yon. Kung sya, hinahayaan ka lang gawin ang gusto mo kagaya ng paglalabas ng ulo habang umaandar ang kotse, pwes, ibahin mo 'ko. Young master, Teiro. Nang dahil sa kapabayaan ng matandang 'yon, nauna pa syang namatay kaysa sa lola kong sampung taong mas matanda sa kanya."

Napabuntong-hininga na lamang ako't hindi na umimik pa, tanda ng aking agarang pagsuko sa usapang ito.

Hindi ko sya gustong magalit pa. He was just hired, three days ago para maging bagong driver ko, at gagamitin nya 'yong sasakyan ni Manong Roli dahil na rin sa pagpipilit ko.

That funeral hours ago was the ceremony for my already deceased driver. Isa sya sa mga tunay talagang nagmamahal sa akin sa simula pa lamang na kami'y nagkakilala.

Mahigit tatlumpung taon na itong nag-serbisyo bilang ang driver ng pamilyang Cannia. At unang beses akong pumasok ng pre-school noon, si Manong Roli na ang naging sandalan ko. Ang naging kaibigan at ang naging tunay na ama ko.

Bukod kina Yaya Sema, at ang family butler naming si Mr. Cleon. Sila lamang tatlo ang ramdam ko talagang tunay akong inaalagaan, at binibigyan ng pagmamahal na hindi ko naramdaman ni minsan sa mga magulang ko.

Hindi nagtagal ang byahe at tanaw na rin namin ang bandang gate ng mansion. Magaganda ang landscape na aming nadadaanan ngunit hindi ako roon nakatingin kundi sa akin lamang mga kamay na nakapatong sa aking tuhod.

Narinig ang pagbukas ng tila kinakalawang na gate sa unahan na kahit malakas ang ulan ay maririnig pa rin 'yon.

Tumuloy ang takbo ng sasakyan papasok. Tumigil sa harap ng tila waiting shed na konektado papunta sa main door nitong malaking mansion.

Nagtataka kong inangatan ng tingin ang driver ko habang palinga-linga. "Bakit hindi tayo sa mismong tapat ng pinto ng mansion huminto?" medyo mahaba-habang lakad pa kasi ang gagawin ko mula rito sa connecting shed para tuluyang makapasok sa bahay.

Ngunit masungit na titig lamang ang ibinato nito sa akin mula sa rearview mirror. "Siguradong nakaabang na naman ang huklubang butler na 'yon sa main door kaya't dito na kita ibababa. Mainit ulo ko sa kanya kaya't hindi ko gusto ng gulo. Bumaba ka na."

Napakunot ang noo ko't ibinalik sa kanya ang masama nyang tingin. "If you have grudge with each other, don't blame it to me. Mag-drive ka na ro'n sa tapat ng main door kung ayaw mong masisante."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon