Chapter 86: "Enter"

53 11 1
                                    

Chapter 86: "Enter"

Teiro's point of view

BIRDS CHIRPING around my ear. Dahil do'n naalimpungatan ako't marahang naibuka ang mga matang pinakiramdaman ang aking paligid. Naupo akong nakasandal sa sanga ng puno. Nasa may labasan lang ito ng inn at sinadya kong dito matulog para magpalipas ng oras.

Lumingon ako sa inn at tahimik pa ito. Hindi rin nakabukas ang ilaw kaya't siguradong nagpapahinga pa ngayon si Harmony.

Medyo madilim pa ang kalangitan subalit alam kong mayamaya lang darating na rin dito si Leonidas. Hindi nga ako nagkamali dahil no'ng akmang ipipikit ko pa ulit ang mata ko, nakarinig na ako ng mahihinang yabag na papalapit.

I saw a figure of a man from the road meters away from where I'm sitting. Hindi 'yon tumagal at tuluyan ko na ngang naaninag ang taong 'yon at walang iba kundi ang captain mismo. Nakasuksok pa rin sa bulsa ng pantalon ang mga kamay nito habang papalapit kaya't bumaba na ako mula sa sanga at hinintay syang mapadaan sa gawi ko. "Mabuti at nandito ka na." bungad ko.

Itinaas nito ang kanang kamay at marahang kumaway sa 'kin. "Ayos lang ba kayo rito?"

Then something completely weird strucked me inside dahilan para matigil ko bigla ang paghinga ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. My whole system got active and unconsciously nahugot ko ang dalawang espada't sinugod ang taong kausap ko.

I swung my two swords right on his neck but he somersaulted over my head bago ko pa man sya matamaan. "Hey! What was that for?" nakalapag na sya sa lupa limang metrong mahigit ang distansya mula sa likod ko.

Kainis. Mabilis sya.

Dalawang metro ang lapit nya sa pinto ng inn kaya't nang bumukas 'yon, kaagad bumungad sa kanyang mata si Harmony na nabigla rin sa kanyang naabutan. "Anong nangyayari sa inyong dalawa?"

"Ewan ko sa isang 'yan. Bigla na lang sinubukan akong patayin nang walang dahilan." sagot ni Leonidas na nakaturo pa sa akin gamit ang kanang kamay.

"Harmony lumayo ka sa kanya!" sigaw ko't nang mapansin din nya kasabay no'n ang kanang kamay ni Leonidas nanlaki ang mata nya't sinugod din ito nang walang paalam.

Inilapat ang kanang kamay sa dibdib ni Leonidas na hindi gaanong naka-react sa nangyari sa sobrang biglaan nito. "Anong--" he couldn't finished his words as soon as wide range flame bursted out of Harmony's hand na talagang hindi na nakita pa ang katawan ni Leonidas sa lakas ng pagsabog.

Napalayo pa ako bago madamay sa kumalat na blasting power that created loud noise around the area. Natapos ang napakalakas na pagsabog na napuno ng mabahong usok ang paligid. "Ayos ka lang?" Harmony shouted to find me within the ruined surrounding.

"Ayos lang." sigaw ko pabalik na umalis sa punong pinagtaguan ko.

Nang makalapit sya sa 'king direksyon tsaka namin narinig ang mga kaluskos nang nahahawing sanga at bundok ng lupa't bato sa may di kalayuan at mula sa ilalim nito, tila nahihirapang umangat ang isang taong inakala naming kakampi.

Durog ang isang braso nito't halos hindi na makatayo ng tuwid sa pinsala ng mga binti. Kulang na lang ng ihip at matutumba na itong muli pero nagawa nya pa rin ang ngumiti sa amin sa kabila ng malubhang natamo nitong sugat. "Sayang naman. Akala ko talaga kaya ko na kayong maloko." there's a playful tone with his voice.

Kahit less than 20-percent na lang ang buhay nya, nagagawa nya pa ring maging kalmado mula sa bingit ng kamatayan.

Susugod na sana muli si Harmony nang pigilan ko ito. Kasabay no'n, mas lumawak ang ngiti ng impostor na Leonidas nang isa-isang magsilitawan sa kadiliman ang lagpas dalawampung kasamahan nito sa kanyang likuran.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon