Chapter 54: "Rule Breaker"

57 14 1
                                    

Chapter 54: "Rule Breaker"

Teiro's point of view

AS I rubbed my back hand to my chin suddenly another fireball flew right infront of me kaya't nanlaki ang mata kong naipagulong sa gilid ang sarili't sinundan pa ng isa pang fireball, dodging it the second time bago kumuha ng potion at ininom 'yon kaagad.

The Fire Leon roared once again as it covered its body with raging flame, before dashing towards me. Bumalik sa 56% ang buhay ko kaya't iniwas ko ang sariling 'wag maabutan at mabangga ng nag-aapoy na halimaw na ito.

All I can do is run around the corners, but no matter how I tried to loosen the chase mas mabilis syang nakakahabol habang sinisira kahit ang matitigas na bakal at pader sa mga buildings na pinagtataguan ko. I mean how the heck did it even see me?!

Nawawala ako sa totoong pakay namin. Sigurado akong nakikipaglaban na si Leonidas ngayon sa mga Pine Devils para lang linlangin ang mga ito't mawala sa akin ang atensyon para makapaghanap ako ng target. Pero ito na nga ang problema. Nakahanap nga ako ng target, hindi ko naman alam kung paano ito tatapusin. Mababaliw ako rito!

And then the Fire Leon roared once again bago nito pinadyak ang harapang dalawang paa sa lupa't nagkabitak, bago tuluyang sumabog ang katawan nito. Para lang syang unlimited bomb vessel kaya't napatapik agad ako sa aking mukha nang magsitalsikan ang lahat ng debris na naabot ng explosion wave nito.

The tower got burned and severed in half by that sudden outburst of the beast that made a deafening drop on the nearby buildings, creating thicky fogs all over the city.

Bumaba sa 13% ang buhay ko habang napapaubo lang na tinanggal ang bakal na posteng nakadagan sa katawan ko. I am hurting all over my body at hindi ko alam kung saan ko unang hahawakan ang sugat ko kung hindi ko mabilang ang mga ito.

Damn it.

Hindi na ako makagalaw dahil nagsisimula na naman akong dalawin ng pagkahilo. Sinubukan kong kumuha ng potion sa bag pero hindi ko na ito nabuksan at naibagsak ko na lang ito sa aking tabi nang mawalan ng lakas ang mga braso ko.

My eyes are starting to go blind by the blood dripping down my forehead. Nasan 3% na lang ang buhay ko't hindi ko pa rin magawang kumilos.

"Meow~" then I heard a bottle clank a little and the next thing I see, is a tiny black cat with a healing potion held by its mouth while walking near my head.

Nabuksan nya ng bibig ang bote kaya't ang tanging ginawa ko'y kinuha sa kanya ang boteng 'yon at tinungga hanggang maubos ang lahat ng laman. Naghilom kaagad ang sugat ko't bumalik sa 23% ang buhay ko. I can't believe I was being saved by a mere cat this time. "Thanks, Nekuma. I owe you one." nagpasalamat ako rito nang nagsisimula ng bumalik ang lahat ng senses ko.

"Meow~" I still can't understand him. But despite that, tumango lang ako't hinanap ng mata ang Fire Leon Beast.

Napakalaking bahagi nitong syudad ang nawasak dahil sa pagsabog na 'yon kanina. Puro usok at wasak na mga bagay ang makikita sa paligid. Napakaraming abo at mga bitak ng mga matitigas na pader na kung saan-saan na lang napupunta.

And then sa isang second floor bandang likod ko, may kahalating wasak na building ang nando'n and without Nekuma's small signal hindi ko magagawang malingon ang pinagtataguan ng beast na 'yon.

Mula sa pwesto nito, nagpakawala ito ng flame spray. I tried to avoid the attack but then suddenly Nekuma jumps right on top of my right shoulder and then shockingly, isang napakalakas at napakabigat na purple lightning ang bumalot sa aking katawan.

And in just a blink nawala ako sa kinatatayuan ko't lumitaw na nakalutang sa itaas ng Fire Leon Beast. Kahit na unang beses ko itong nararamdaman, parang unconsciously, alam ko ang ginagawa ko dahil kasabay din no'n paikot kong iwinasiwas paibaba ang dalawang nagliliyab at kumikidlat na espada diretso sa bunbunan nitong malaking halimaw.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon