Chapter 24: "Who's the Beast?"

152 23 2
                                    

Chapter 24: "Who's the Beast?"

Teiro's point of view

"YOU SHOULD let that cat hide for the meantime." Leonidas instructed. "Hindi 'yan ligtas kung hindi naman 'yan marunong makipaglaban."

Napalingon ako sa pusa sa gilid ko. Mukhang hindi ko na ito kailangang sabihan o itaboy pa dahil parang naiintindihan naman nya ang sitwasyon.

Tumakbo ito papalayo sa aming likod. But unexpectedly, the Werewolf general sprints passed between me and Leonidas. "Shit!" he cursed in surprise.

Anong nangyayari?!

Sinundan namin ng tingin ang direksyon ng halimaw, at magkahalong kaba't pagkalito ang aming naramdaman. Tumigil ang halimaw na nakaharang sa pusa na apat na metrong malayo na sa aming likod.

At gamit ang matutulis nitong kuko sa kanang kamay, walang pakundangan nya itong pababang ipinabulusok ng saksak sa mukha ng pusa.

"Shit! What's wrong with this monster?!" nag-sprint nang mabilisan si Leonidas para salbahin ang pusa.

Pero hindi sapat ang bilis nya para tuluyang makaabot sa pwesto ng pusa, except for the dagger I threw which hit the monster's right eye.

The attack missed when the monster's arm slammed the ground just right next to the cat. They both squeaked. The cat in horror and the Werewolf general in agony.

Mas lalo itong nagalit pero bago pa nito tuluyang maihampas ang isang braso sa mismong kinatatayuan ng pusang hindi makagalaw sa panginginig, pagulong kong dinagit ang maliit na nilalang na 'yon para makagilid at hindi matamaan ng hampas.

Malakas ang pagkakahampas na 'yon na nagpabitak pa lalo sa lupa. As I returned my body straight from rolling over, dire-diretso kong ikinilos ang mga paa't tumakbo papalayo roon habang yakap-yakap sa dibdib ang pusa.

I sighed in frustration. "Bakit ba ang tanga mong pusa ka?!"

"Meow~"

"Welcome!" Namalayan ko na lang na nakasunod sa akin ang Werewolf general. Ano bang problema ng halimaw na 'to?!

Kanina itong pusa ang bigla nyang inatake, tapos ngayon ako naman ang hinahabol.

I ran straight as fast as I can. Jumping from bushes to bushes, and many more bushes ahead without an end. Natapilok pa ako sa isang ugat kaya't diretso akong gumulong sa lupa ngunit hindi ko hinayaang mawala sa bisig o maipit sa sariling katawan ang pusang ito, like I'm risking my own precious life for it. This is just an ordinary NPC cat! Why would I die for it?! Ano ba kasing problema ko?!

Nang muli akong makabangon nang nakaluhod pa ang isang tuhod, huli na para mamalayan ko ang Werewolf general na nasa mismong harapan ko na.

Tanging pag-angat na lang ng aking ulo ang aking nagawa nang mabilis nyang bulusok na isinaksak pababa ang matutulis na kuko sa aking mukha.

Ngunit saktong pulgada bago ang katapusan ko, ay sya rin namang paglitaw ni Leonidas sa pagitan, sabay nang pagsuntok nya pagilid ng wrist ng halimaw.

The intercepting force of that punch almost left the monster's wrist broke, pero ginamit din nito ang isa pang braso para ibaon sa dibdib ni Leonidas ang kanyang mga kuko, pero nasuntok itong muli ng huli pagilid gamit ng magkakaparehong pa ring bilis at lakas.

Leonidas used that small chance to sprint further towards the monster's front, before releasing a body spin along with a spear-like kick to the monster's stomach.

It created a damaging blow cracking the ground theyvre stepping by the shockwave burst. Naatras ng tatlong metro ang halimaw, decreasing with 10% of its current HP. So nasa 59% na lang ang HP na natitira rito ngayon.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon