Chapter 81: "Battle at the Misty Forest 1"

44 8 1
                                    

Chapter 81: "Battle at the Misty Forest 1"

Teiro's point of view

MISTY FOREST.

Hindi ko inasahang masyado itong nakakatakot sa malapitan kesa ang marinig lang sa iba o ang mapagmasdan lamang ito sa malayo. Totoo nga pala talagang hindi mo kayang makita ang mismong daan kapag nandito ka na't naglalakad.

Anxiety is eating me minute by minute. Parang hindi mapakali ang buo kong kalamnan habang nag-iisip sa kung ano ang pupwedeng mangyari sa amin.

Hindi ito gano'n kalayo mula sa Blue town dahil ilang minuto lang ang ginawang lakad namin bago nakarating dito at nagsimulang maglibot sa gubat.

Pero mag-kakalahating oras na pero parang wala pa ring pinapatunguhan ang ginagawa naming ito. The progress is unclear dahil habang patagal nang patagal ang pananatili namin dito, the fog is getting more thicker and thicker na umabot na sa puntong nagiging  frequent na ang pagbabangga namin sa mga puno sa aming harapan.

"This is quite strange." narinig kong bulong ni Leonidas sa unahan. Nasa pinakahuli ako at napapagitnaan namin si Harmony sa paglalakad.

"Hezuya." biglang tinawag ako ni captain. "Bantayan mo ang paligid, titingnan ko lang ang buong gubat sa itaas."

Hindi na nito ako hinintay na tumugon at kaagad na ring umakyat sa punong malapit sa kanya. Nawala sa paningin ko ang kanyang pigura't tanging ang kaluskos lamang na kanyang nililikha ang aming naririnig.

"Mahahanap kaya natin ang mga batang 'yon bago tayo mawala rito?" tanong na may pag-aalala ni Harmony kaya't napalingon ako sa kanya.

"Maaaring mawala man tayo, pero may tiwala ako sa captain na mahahanap natin ang dapat hanapin bago pa man mangyari 'yon." may matibay na paninindigang sagot ko rito.

"Alam mo bang medyo awkward na nag-uusap tayo ngayon habang pigura mo lang ang nakikita ko? Ang weird lang kasi."

I laughed by what she said.

"Pareho lang tayo."

Nakita naming nakababa na si Leonidas pero tanging maitim na hugis nya lang 'yon. Hindi talaga kasi nakikita ang mukha nya.

"May nakita ka, captain?" I asked him, pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bigla itong tumakbo't sinipa ako sa aking sikmura.

I spitted saliva with a pain inflicted on me bago tumalsik at bumangga sa isang katawan ng puno limang metro mahigit mula sa dating pwesto.

"Anong nangyari? Anong problema captain!" rinig kong sigaw ni Harmony.

I tried to stand still while my hand is pressed against my stomach. Wala pa rin akong maaninag kahit saan. Shit! Ano bang nangyayari? Bakit bigla akong inatake ng captain nang gano'n lang.

O baka naman.

As soon as I realized something dubious my eyes widened in horror na agad ring nagpakilos sa aking mga paa upang takbuhin ang direksyon ni Harmony.

"Harmony! Lumayo ka sa aninong 'yan!" I tried informing her habang tumatakbo. Hanggang sa bigla akong sinalubong nang isang malakas na fireball kaya't mabilis ko ring kinuha ang espada sa aking likod at hiniwa sa dalawa ang enerhiyang 'yon.

Umapoy ang paligid sabay narinig ko ang mga sunod-sunod pang kaluskos sa paligid. "Harmony! Captain! Nasaan kayo sumagot kayo!" I called their names several times pero walang ni isa sa kanila ang sumagot pabalik. I couldn't even sense Nerfius around dahil ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon sa paligid kumpara kanina.

Para bang ang laki ng pinagbago nito at ako lang yata ang walang kaalam-alam sa maaaring pagbabago na 'yon. Gano'n pa man. Malinaw sa sarili ko, na may kakaibang nilalang kaming nakasagupa at 'yon na nga ang dahilan kung bakit hindi ko na mahanap ang mga kasama ko.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon