Chapter 6: "Companion?"

327 54 6
                                    

Chapter 6: "Companion?"

Teiro's point of view

"HOY, GISING. Bata. Gising."

Sunod-sunod na yugyog sa aking katawan ang nagpabalik sa aking kamalayan mula sa pagkakatulog.

Napahikab ako nang mahina nang sabay maibuka ang mga mata.

"Gising ka na?" Namilog ang mata ko nang isang napakaseryosong mukha ng lalaki ang nasa harapan ko, sampung pulgada ang distansya ng mukha sa akin, at para bang napakaitim ng awra nya.

"Ahhhhh!"

"Hoy! Ba't ka sumisigaw?!"

It turns out I suddenly passed out minutes ago. May pangalawang Crawler pa akong nakalaban kanina pagkatapos 'yong isa.

Natalo ko naman din 'yon but in exchange, naubusan ako ng lakas dahil na rin sa medyo sinasanay ko pa ang katawan sa larong ito.

Nasa level 13 na pala ako.

"Ah. Mister. Ilang oras po ba akong tulog?" tumayo na ako mula sa pagkakasandal sa bitak na pader.

Nilingon nya ako't tumingin muli sa paligid. Sinagot ako nang may hinahalungkat sa pouch na suot nya. "kalahating oras kang walang malay. Inumin mo." sabay lahad nito ng potion na may red liquid. It must be a healing potion.

"Ah. 'Wag na po." tanggi ko agad. Napalingon ako sa paligid at mukhang palubog na rin ang araw. Dahan-dahan na ring bumabalik sa dati ang sirang small town na ito. Kusang naaayos ang mga buildings at ang mga debris ay nagsasama-samang muli.

Kahit 'yong mga nadamay na mga NPCs ay gano'n din. Maliban sa mga players na namatay na talaga.

"Tanggapin mo na." pilit pa ng lalaking ito. Hindi pa rin sa akin ang tingin nya. "Kung tutuusin. Kunting gantimpala lang 'yan dahil sa ginawa mo."

Hinarap na nya ako't sya na mismo ang naglagay sa kamay ko ng bagay na 'yon. "Kung hindi dahil sa tapang na ipinakita mo, malamang patay na ang dalawang kasamahan ko."

Dalawang kasamahan?

He looked to a corner where I followed with my eyes. Nakita ko ang dalawang pamilyar na players na 'yon. Mukhang okay na sila.

Tumango sila nang magtama ang aming tingin kaya't ngiti rin akong ginaya sila.

"Sige. Alis na kami. Kailangang magtipon sa Central Square para sa malakihang pag-uusap ng lahat ng mga players. Kung gusto mong sumabay sa 'min sumunod ka."

"Ah. Ano. . .anong pagtitipon po ba tinutukoy nyo?" ininom ko ang potion at bumalik sa 90% ang HP kong nasa 11% na lang sana kanina.

Matanda na ang lalaking ito. Hanggang dibdib lang nya ako't medyo malaki rin ang kanyang katawan. Human tamer sya at isang wizard pero. Mukhang wala pa syang beast na companion ngayon.

"Sinasabing may misteryosong tip na nakuha ang isa sa mga players na nakulong kasama natin sa larong ito. Gusto nyang ipahayag 'yon sa lahat ng mga manlalaro at gaganapin ang malawakang meeting sa Central Square isang oras na lang mula ngayon."

"Isang tip? Anong klaseng tip po ba ang natanggap ng player na 'yon?"

"Alam na raw nila ang dungeon na tinitirhan ng God of Beasts na si Orikia."

Nagulat ako. "Nasa Dark Beast Territory po ba nakaturo ang impormasyon nya?" Ayon sa nabasa ng lahat sa giant hologram,'yon lang ang tanging clue kung saan naninirahan si Orikia.

Tumango ang matanda. "Nagbabalak yata silang mag-buklod ng maraming players para sumaling lakbayin ang teritoryong 'yon at sama-samang patayin ang halimaw."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon