Chapter 87: "Mind Battles"

53 10 1
                                    

Chapter 87: "Mind Battles"

Third person's point of view

THE HIDDEN cave beside the lake of the dark temple. A hidden sensors controls ran by the great trackers of the RedLily faction are functioning to survey every anomalies around the three gates premises.

Direktang nagre-report ang kasapi rito ng kahit anong bagay na kahina-hinala sa mismong security commander na walang iba kundi si Liyuen.

With the use of magics and spells. May mata sila kahit saang sulok ng gubat na maaabot ng magical channel nila. Even from the eyes of birds, ants, wild beasts, and bugs. Hindi makakatakas ang kahit na sinong players ang gugustuhing pumasok sa teritoryo nila na pwedeng mamatay sa oras na ito'y mahuli.

"Ang priority natin ngayon ay ang hanapin ang grupo ng White Alpha Faction. Ang kanilang pinuno'y may kakaibang awra at galing sa pakikipaglaban na may pangalang Leonidas kaya't kung maaaring mahagilap ninyo sya sa paligid. Ipaalam nyo agad sa akin."

Nakikita nila sa trade informations nila na nanggaling mismo sa kanilang commander ang buong profile info ni Leonidas. Pati ang iba nitong miyembro ay ipinakita rin at talagang mas maingat na nilang sinusuri ang buong paligid nang sabihin pa ng captain na sa sandaling makalagpas sa kanila kahit si Leonidas, maaaring malaking gulo ang maidudulot nito sa kanilang lahat.

******

Teiro's point of view

We only have 1 hour and 12 minutes left bago tuluyang maubos ang epekto ng potion sa aming katawan. With that a lot of time, nakalagpas na kami sa tatlong towns. Hindi namin gugustuhing masali sa gulo sa mga villages ngayon dahil sa pakalat-kalat na knights.

More importantly, mga ilang kilometrong lakad na lang ay mararating na rin namin ang second gate kaya't hindi namin pwedeng sayangin ang disguise potion ngayon para magpahinga.

"Kumusta na kaya 'yong iba."

"Siguradong ligtas lang sila." sagot ni Leonidas. Sya ang nangunguna sa paglalakad namin.

"Nakarating kaya sila sa isla ng ligtas?" muling sambit ni Harmony na katabi ko sa paglalakad. Lumingon sya sa 'kin kaya't ngumiti ako ng bahagya.

"'Wag kang mag-alala. Panigurado, makakahabol din sila sa 'tin ilang sandali lang kasama ang mga reinforcements."

"It might not work." sabat ni Leonidas kaya't sabay kaming napalingon sa harap.

"Bakit naman hindi?" tanong ni Harmony.

"We're talking about the alliance of the three Continental Founders here kaya't malaki ang kutob kong mababahag ang buntot nila sa sandaling hingin ni Pheris ang tulong nilang makisali sa labang ito." paliwanag nya.

Nagtaka ko syang tinitigan. "Pero ideya mo ang iligtas ang mga 'yon mula sa isla para makasali sa laban natin, di ba? Bakit yata ikaw pa ang tumututol sa sarili mong plano?"

"I have my reasons." he simply answered.

"Anong rason naman 'yon?"

"Ang ilayo si Pheris sa lugar na 'to." he froze as soon as he said those words. Nagtaka kami sa pagkatigil nya't inilibot ang aming paningin. He did the same and sighed. "Hindi ko akalaing matutunton na nila tayo ng gano'n kaaga."

"Anong ibig mong sabihin?" Harmony asked.

"We miscalculated everything." humarap sa amin si Leonidas. "They already have eyes on us."

Nanlaki ang mata ko't nahugot agad ang espada. Then from above us, narinig namin ang sigaw ng tatlong Blue Phoenix na mas malaki pa kay Nerfius. Mukhang kanina pa sila paikot na lumilipad sa himpapawid at laging nakatutok sa direksyon namin. Hindi ko inisip na mga tracking machines sila pero ngayong narinig ko ang sinabi ni Leonidas. Kumpirmado. Nahanap na nga kami ng mga kalaban.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon