Chapter 97: "That Monster Behind the Storm"

100 17 4
                                    

Chapter 97: "That Monster Behind the Storm"

Teiro's point of view

THE FOREST is on fire. Smokes covered the surroundings, getting the atmosphere out of breathable air. All of us escaped the quicksand by the blast of fire but in return, we are all deeply injured by that explosion.

Greeting me was the smoke coming nonstop inside my nose. Without proper body state and a blinded right eye, marahan at maingat akong bumangon sa pagkakahiga na may kaunting pagkahilo pa. Hinawakan ko ang duguang noo ko pati ang braso kong nabalian at sobrang bugbog na baywang. Muli akong napaupo sa nakatumbang puno habang patuloy na nauubusan ng HP. Hindi tumitigil ang pagdurugo ng aking sugat kaya't kung anuman ang pinakagusto kong gawin sa pagkakataong ito'y 'yon ay ang mahiga na lang at pumikit sa sobrang kapaguran.

Ngunit alam ko sa sarili kong hindi ko pupwedeng gawin 'yon. Hindi ngayon. Hindi pa tapos ang laban at nakasalalay sa amin ang buhay ng lahat. Kung hindi sanib sa 'min ang apat na pinakamalalakas na founders, walang ibang pipigil kay Orikia kundi kami lang. Pero nakakainis, dahil sa nangyaring ito, hindi lang magiging mahirap ang misyon namin kundi magiging mas imposibleng matapos pa namin ito ngayon.

Then my ears catches a set of footsteps gradually approaching my side. Napalingon agad ako sa direksyong 'yon sa kabila ng panghihina at nakita ang pamilyar na pigura ng lalaki. Luminaw ang pagmumukha nya nang sa sandaling makalapit na ito sa 'kin ng tuluyan. Pasikretong nagdiwang ang dibdib ko nang makompirma ko kung sino ang taong nasa tabi ko ngayon.

Tulad ko, hindi rin kaaya-ayang tingnan ang katawan nya sa sugat. Ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha kahit duguan rin ang noo nito, ang nabaling parehong braso at ang sugat-sugat na dibdib. He's losing a lot of blood too.

"Thank goodness you're alive. One-eyed guy."

"May panahon ka pa rin talagang magbiro ngayon sa sitwasyon natin? Hindi ako makapaniwala." sagot ko.

Napansin ko si Nerfius sa likod nya na halatang paika-ika ring maglakad at nanginginig sa sobrang pagod at sa pinsalang kanyang natamo. Matapos no'n, nagpasya kaming maglibot sa mausok na paligid para maghanap sa mga nahiwalay naming mga kakampi.

"Magmadali tayo. Kapag buhay pa si Herkan ngayon, malamang hindi ligtas 'yong iba kung malubha rin silang napinsala gaya natin." saad ko't sinubukang labanan ang hilo na tumayo.

"Or they might have been already dead by the explosion."

Masama ko syang tinitigan. "Hindi ka na nakakatuwa."

"Don't blame me. I'm just stating some facts." sabay iwas nito ng tingin.

"Pwede bang mag-alala ka naman kahit na kunti?"

Gumaling na ang braso nya't kaagad may namataan sa isang tabi. "There's someone approaching." Tinuro nya ang bahaging 'yon.

Nasundan ng mata ko ang bahaging 'yon at nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita si Indominus, pati si Shadow at Pheris na paparating. Hindi gano'n ka-lubha ang mga sugat nila pero hindi na rin tataas sa limang porsyento ang mga buhay nila. The same with Leonidas who only had 2% of his HP and me with 4%. Kritikal ang sitwasyon namin. Mabuti na lang sa mga armors effects namin, may kaunting nabalik na buhay sa amin bago nangyari ang pagsabog pero hindi pa rin 'yon sapat para sa huling laban namin dito.

Lumapit si Leonidas kay Pheris. "Can you heal Hezuya up to 50% at least?" nagulat kaming lahat dahil sa biglaang saad nya.

Hindi agad makatugon si Pheris. Nasa kanya pa rin ang mata ni Leonidas na seryosong hinihintay ang kanyang sagot. "You know I can't. Idiot."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon