Chapter 76: "The Hidden Chamber

52 8 2
                                    

Chapter 76: "The Hidden Chamber"

Teiro's point of view

"WHY DID you let the cat go?" Indominus was furious about what I did. "You should have just--"

"I'm not killing my companion."

"If you can't then why didn't you let me!"

Hinawakan ko sya sa kanyang kwelyo't pinandilatan ng matang hinila palapit. "Ulitin mo nga 'yang sinabi mo."

"Kung pinatay mo na sana sya kanina pa, edi tapos na ang problemang ito! Bakit mo pa hinayaang makaalis?! This is just a stupid game! Kahit companion mo pa 'yon, nasa loob pa rin tayo ng isang laro at hindi na 'yon mababago pa!"

Tinulak ko sya papalayo't naglakad papalayo. "You don't understand anything." binuksan ko ng kusa ang pinto't dire-diretsong lumabas ng inn.

"Hezuya, sandali lang." Harmony grabbed me by my hand. Napilitan akong matigil sa aking mga hakbang sabay lingon nya sa aming kasamahan. "Hindi nyo man lang ba sya pipigilan?"

Walang sumagot ni isa kaya't nilibot ko ang aking tingin sa kanilang lahat. "Pasensya na kung naging ganito ang kinalabasan ng lahat. Makasarili ako. At bilang kabayaran, lulutasin ko ang problema nang hindi pinapatay si Nekuma."

"Baliw ka. Wala na si Nekuma. Hindi mo ba nakita? Si Orikia ang pusang 'yon! Wala kang companion na Nekuma naiintindihan mo na ba?! Pinaglaruan ka lang ng system sa simula pa lang."

"Indominus." Leonidas butted in kaya't natahimik ang taong tinawag nya. Napakuyom si Indominus ng kanyang kamao't hindi alam ang gagawin. Susuntukin ba nya ako o tutusukin ng espada sa mukha. Wala akong karapatanh magalit sa kanya. May punto naman kasi ang sinasabi nya. Kahit anong rason pa ang gawin ko, mali pa rin ako kahit saang anggulo titingnan.

Naisip ko tuloy kung pinatay ko na lang si Nekuma kanina pa lang. Baka nakalaya na kami ngayon sa mundong ito at masaya ng nakabalik sa sarili naming mga pamilya.

"Don't worry. I will find a way to end this as soon as possible." saad ko't ngumiti kay Harmony. "You all can rest easy and wait here for your own safety."

Indominus scoffed. "Heh. Yabang mo ah. Hindi mo nga alam kung nasaan na ang pusang 'yon eh, paano mo pa ito maaayos agad kung kahit location hindi mo mapin-point."

"Honestly," I slid my other hand inside my pocket and got out a small compass from it. "I actually know where?"

Natigilan si Indominus na natulala.

"Before Nekuma left. I put a collar on him. And with this compass, alam ko na kung saang direksyon sya pumunta. That's why I need to go now, and save him with everybody else."

Leonidas smiled. "As expected of my vice-captain, hindi mo 'ko binigo."

"Kaya't maghintay na lang kayo rito at ako na ang bahala. Gamit ang compass na ito hindi rin magta--" Nahinto ako sa aking sinasabi nang mapansing wala na sa aking kamay ang compass.

Tsaka ko lang napansin si Leonidas na nasa labas na pala at nag-uumpisa ng maglakad. "Quit talking already. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin kaya't bilisan nyo na."

Napangiti si Pheris at sumunod sa kanya. Kahit si Harmony at malawak din ang ngiti ngayon. "Mabuti at nagkakasundo pa rin tayong lahat."

"Ha? Anong sinasabi mo? Kahit anong sabihin nyo hindi na ako sasama." nagmamatigas pang saad ni Indominus pero bago pa ito makaalis, hinawakan na sya ni Harmony sa braso. "Uy! Ano ba, aalis na ako kaya bitiwan mo na ako pwede ba!"

Subalit ngumiti lang si Harmony habang hawak-hawak kaming dalawa ni Indominus sa kanyang mga kamay, kumbaga napapagitnaan namin sya. "'Wag ka na ngang mag-inarte pa dyan. Hindi bagay sa 'yo magalit, Indominus. Mas-cool kang tingnan kapag kalmado ka lang."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon