Chapter 50: "Razor and the Beast"

83 16 6
                                    

Chapter 50: "Razor and the Beast"

Teiro's point of view

"MALAYO PA ba tayo?"

"Shut up and just walk."

After moment of silence, muli akong nagsalita.

"Malapit na ba tayo?"

Humarap sya sa 'kin na inis na inis. I just stared right back at him dead in the eyes.

He didn't even utter a single word before looking away and continued walking ahead. Tsk. Suplado talaga.

"Meow~" the cat clawed my ears habang nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Nakahiga lang ito sa ulo ko habang pinaglalaruan ang tainga ko. Kanina pa 'to eh. Sarap itapon.

Halos isang oras na kaming naglalakad nang bigla-bigla ring nabitak ang lupang amin sanang maaapakan. Napatalon kami paatras at nakalayo agad sa bandang 'yon nang halos pitong metro.

Umangat ang nabitak na lupa't umusbong ang malaking katawan ng Crawler beast mula roon na nagbigay tensyon sa aming dalawa. It simply appeared out of knowhere na para bang kakabangon lamang nito mula sa pagkakahiga sa lupa. Umungol ito ng malakas na nag-udyok sa 'king ilabas ang dalawang espada sa lalagyan nito.

"Tsk. Kung kailan malapit na kami tsaka pa nagka-problema." rinig kong bulong ni Leonidas.

"Aatake ba tayo?"

"Mind your six." nalito ako sa sinagot nya pero nang may mapagtanto ako, mabilisan naman akong pumihit patalikod.

Sabay dalawang kutsilyo ang aking naipatalsik pataas at pagilid bago ito tuluyang bulusok na tumama sa mismong mukha ko. "What the--" sinong gumawa no'n? Ibig bang sabihin nito, hindi lang Beast ang makakalaban namin?

Pinagmasdan ko ang paligid ngunit mga mabibilis na anino lamang ang nababasa ng mata ko. Mabibilis sila't bukod do'n, hindi ko makuha ang saktong bilang kung gaano sila karami.

"Dammit!" bulong ko.

"Pito silang lahat." biglang nagsalita naman si Leonidas na halatang hindi man lang nababahala ang mukha o ang tono ng boses kumpara sa akin.

Did he just counted all of those shadows in a single glimpse? Paano nya 'yon nagawa?

Isang anino ang kaagad bumulusok na parang kidlat palapit sa harapan mismo nito. May hawak-hawak na katana kung saan ay mabilisan ding ipinabulusok ng saksak sa leeg ng kasama ko. Ngunit walang bahid ng pangambang sinalo nito ang mismong patalim gamit ang kanang kamay't hinila palagpas sa kaliwang leeg, bago salubong na heel-kick ng kaliwang paa ang tumama sa mismong mukha ng aninong 'yon.

A direct and potent counter was made in a single second na halos basagin ang bungo no'ng umatake bago nabitawan ang espada't tumalsik papalayong tila kidlat naman sa bilis.

Hinawakan ni Leonidas sa hilt ang katana na naagaw nya't may pwersang itinusok ito sa lupang kaharap nya't itinungtong ang isang paa bago sinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Kung gusto nyong makipag-kwentuhan sa 'min ayos lang. Pero hindi kami dumaan dito para lang magsayang ng oras kaya't mabuti pa simulan nyo nang mag-kwento kung ayaw nyong maubos ang pasensya ko."

Muling umungol ang Crawler beast sa aming harapan at pansin naming pwede na itong umatake anumang oras kaya't nanatili pa rin kaming alerto.

"Meow~"

"What did he say?" tanong ni Leonidas nang hindi ako tinitingnan.

"I'm still low with my Intelligence. Hindi ko pa sya maiintindihan ano."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon