Chapter 69: "Kill Them All"

52 15 0
                                    

Chapter 69: "Kill Them All"

Teiro's point of view

"HINDI BA'T si Hezuya at Leonidas ang dalawang 'yan?"

"Balita ko, sila ang Captain at Vice-captain ng bagong White Alpha Faction."

"Akalain mo nga namang magiging maswerte tayo sa gabing ito at nahanap agad natin sila."

"Siguradong malaki-laking pabuya ang makukuha natin kapag nahuli natin sila't naibalik sa sarili nilang kontinente."

"Pero hindi ba masyado silang malakas?"

"Baliw ka ba? Kahit sila pa ang pinakamalakas sa South Continent, sa Hunter faction na nandito ngayon, sisiw lang sila kung ikukumpara sa labin-isang captains na kasama natin ngayon!"

"Tama ka!"

"Durugin natin sila!"

They all cried in unison with such intent to stop us here and now. Confirming all of their positions, inaamin kong medyo marami nga talaga sila. A legion of strong players where half of them are Royal Tamers. That also counts as the 11 captains as the royal tamers kaya't hindi magandang magpadalos-dalos lang kami ng kilos ngayon.

In the first place, magagaling talaga ang tracking dogs nila kaya kahit may disguise kami, hindi 'yon makakalampas sa mga ito.

"Tsk. Looks like I have no other choice than to use it," rinig kong bulong ni Leonidas at hinawakan si Nerfius sa gilid nya. "We can get out of this situation faster if I'll use your power directly, Nerfius. Hanggang kailan kaya 'yon tatagal?"

"Isang minuto." sagot ni Nerfius sa kanya, but for Leonidas, pagtahol lang ang kanyang naririnig dito. Kaya't lumingon sya sa akin na medyo nahihiya pero kalmado pa ring nagtanong, "Anong sabi nya?"

Ba't ba kasi hindi pa nya napapataas ang Intelligence level nya?!

"Isang minuto lang ang sinabi nya."

Napangiti si Leonidas. "Kung gano'n, sapat na ang oras na 'yon para rito."

Anong ibig nyang sabihin na sapat na? Just what is he even planning on doing this time?

"Hezuya." tawag nya bigla sa 'kin. "Subukan mo 'kong protektahan sa loob ng tatlumpung segundo. Gawin mo ang lahat para hindi ako mamatay, maliwanag ba?"

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Narinig mo naman siguro ang tinatawag na 'Beast Mode' power-up, hindi ba?"

Napamaang ang bibig ko nang marinig ang sinabi nya.

"Pero delikado."

"Mas delikado kung wala tayong gagawin. At ito na rin ang tamang pagkakataon para subukan ko kung hanggang saan ang kaya ko."

Of course I knew about the Beast mode power-up. Ito lang naman ay isang uri ng boosting skill na tataglayin ng isang player sa oras na ihalo nya ang kapangyarihan ng sariling companion sa kanyang katawan upang magkaroon pa ng mas malakas na stats sa pakikipaglaban.

But due to its full effectiveness, gano'n din ito ka-delikadong gamitin dahil sa oras na magawa mo na ang merging process, do'n na rin magsisimulang lamunin ng sarili mong beast ang life force meron ka at dahan-dahan ka nitong kakainin mula sa loob hanggang sa mag-transform ka mismo as the beast itself. Kapag nangyari ang bagay na 'yon, tuluyan kang mamamatay at 'yon na rin ang magiging katapusan mo.

Gustuhin man ni Nerfius na pigilan ang sarili, hindi nya 'yon magagawa dahil normal na sa isang beast ang gano'n.

Kaya nga sa simula pa lang, nag-set na kaagad silang dalawa ng time limit para itigil kaagad ang beast mode na 'yon bago pa maging uncontrollable ang sitwasyon.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon