Chapter 49: "Epilogue/Departure"

74 15 1
                                    

Chapter 49: "Epilogue/Departure"

Teiro's point of view

THE SUNLIGHT is blinding.

Nagising ako't nag-unat ng braso't nilibot ang paningin sa paligid. The other's is nowhere to be found. Mukhang ako na lang ang naiwan dito. Did they just left without me?

Madali kong sinuot ang coat at ang sombrero ko bago lumabas ng inn.

Natigilan ako nang makita silang apat na nag-uusap lang pala sa tabing puno. They noticed me before I can speak, kinawayan ako ni Indominus so lumapit na rin ako sa kanila.

"I thought you left without me." bungad kong sambit sa kanila. Nerfius rubs its head on my back to greet me.

Leonidas who's standing next to the bark with a crossed arms yawned. "We ought to. But we changed our mind since you woke early."

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Nag-usap lang kami kung ano ba mas magandang unahin nating gawin sa ngayon." Saad ni Indominus. Nakaupo lang sya sa damuhan na nakasandal ang likod sa isang malaking bato.

Katabi ng bato na 'yon ay may isa pang malapad na bato't doon nakaupo ang town thief. Since his name is still unknown, hindi ko pa talaga alam kung anong ipapa-ngalan ko sa kanya. "What should we do now?"

"Ano bang napag-usapan nyo habang tulog ako?"

Harmony took a glance of me while she's sitting on a dead tree right beside Leonidas. "May narinig kami kanina ni Indominus sa palengke. Dumaan daw kagabi ang mga Knights ng Greneed Town sa kalapit na bayan. Siguradong hinahanap na nila tayo dahil sa bounty."

"Then we should head to the Central Square now."

"As I've said, captain. Siguradong mas maraming knights ang nando'n kaya't hindi rin tayo pwede ro'n." the thief countered Leonidas which only looked away annoyed.

"Paano natin mabibigyan ng pangalan ang faction natin kung hindi tayo pupunta sa mas malaking towns?" tanong ko sa kanila.

Sandaling katahimikan.

"Hindi naman siguro tayo makikilala ng mga knights." Indominus said.

"Hindi talaga tayo makikilala dahil silang tatlo lang naman ang may bounty." thief answered back. Harmony slaps her face in frustration.

"Hindi 'yon problema." Leonidas said.

"Oh really. Hindi talaga? Sigurado ka?" thief said once again looking at the captain.

"Inutusan ko si Indominus na bumili ng Disguising Robe sa Black Market ng bayang 'to. I'm sure makakakuha tayo ng tatlo." Leonidas explained.

"Ahh. 'Yon na nga kasi ang problema." Dugtong naman mismo ni Indominus. Napalingon ako sa kanya. "Gusto ng Black Market owner na magbigay muna ako ng 15 golden horns bago nya ako bibigyan ng discount sa tatlong robes. Mas magandang offer na raw 'yon para sa akin na baguhan."

15 golden horns? "Anong klaseng horns ba 'yon?" tanong ko.

"Five kilometers away mula rito, may dungeon door sa gitna ng isang lawa, 'yon lang ang nag-iisang dungeon sa kontinenteng 'to na naglalabas ng item drops na golden horns. Ang lawa ring 'yon ay delikadong tawirin kaya't hindi basta-basta mapapasok ng kahit na sino ang dungeon." mahabang litanya ni Harmony.

"Anong difficulty level ba ng dungeon ang pinag-uusapan natin ngayon?" I asked which leaded to their silence again.

Isa-isa ko silang tiningnan nang tumuntong si Nekuma sa ulo ko. What's the matter? Napansin ko naman silang nagtinginan din sa isa't-isa bago ako napagpasyahang tingnan din pabalik ni Harmony.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon