Chapter 82: "Battle at the Misty Forest 2"

84 11 6
                                    

Chapter 82: "Battle at the Misty Forest 2"

Leonidas' point of view

CONFRONTING AN unseen enemy will definitely be one of the most stupid thing I have ever done in this world.

Pero wala akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng takasan habambuhay ang ganitong sitwasyon especially in this kind of place. I have only two options in my mind. One is to run away at umasang makakatakas kami sa anino. And two, is labanan na lang ito at umasang manalo.

Nang masiguro kong nakalayo na nga si Harmony at ang walang malay na si Hezuya na nakasakay kay Nerfius, I did a tremendous spin kick infront of me kaya't sa lakas ng wind pressure nahawi ang usok sa aking paligid.

Even some of the branches rattled and broke sa tindi no'n nang tamaan ang mga ito. At hindi katagalan, umusbong mula sa makapal na usok sa harapan ko na mga pitong metro ang distansya't ako'y nagulat sa aking nakita.

Anyong tao itong balot ng itim ang buong katawan. Puti ang mga mata't kung pagmamasdan pa ng mabuti, may limang matutulis na buntot ito na naka-attached sa likod ng baywang nya. Parang naka-coat sya at nakataas ang buhok pero dahil nga puro itim lang ang nakikita ko sa anyo nya, hindi ito gano'n agarang napapansin.

According to its identity above its head, isa itong 'HypnoDevil'. Level 90 at talaga namang hindi pwedeng balewalain ang klase ng lakas nya.

Medyo may kataasan ito ng kunti sa akin. Malaki rin ang katawan at paniguradong hindi na aabot ng ilang segundo bago nito ako mapatay kapag hindi ako nag-doble ingat.

But no matter how strong it looks like. Hindi 'yon dahilan para umurong pa ako.

"Sabihin mo. Ikaw ba ang namamahala sa gubat na 'to?" I asked it, still considering na sumagot ito ngunit gaya ng inasahan, deadma lang ito. "Okay then. Hindi na kita tatanungin pa. I'm sure 'pag tinalo kita, malaking ambag na 'yon sa 'min."

In an instant, bigla naman itong sumigaw nang pagkalakas-lakas na animoy leon sa bagsik. Nanindig balahibo ko nang marinig ko 'yon. Parang tinusok ng daan-daang karayum ang buo kong katawan dahil sa sobrang tindi ng sigaw nito.

Nahahawi lahat ng dahon sa mga puno sa lakas hanggang sa tumubo ang matataas at matutulis na kuko sa magkabilaang kamay nya.

Tumindi rin ang galaw ng mga buntot nito sa likod at para itong mga gumang bakal na kayang humaba at pumutol ng malalaking katawan ng puno't magbungkal ng malawak na bahagi ng lupa sa isang tirahan lang.

Nagwawala ang mga 'yon kasabay ng mas matinding titig nito sa akin.

But I still remained unaffected on my ground habang kalmadong pinapanood syang magpakita kung gaano talaga sya kalakas.

"Nice props, I must admit." komento ko't sa madaliang pagkurap ng aking mata, isang metro na lang ang distansya bago tuluyang tumusok diretso sa mukha't dibdib ko ang dalawa sa matatalim na buntot nya.

Umilag ako't dumiretso sa puno sa likod ko ang nakakapangilabot na bilis ng atakeng 'yon. Hindi ko sinayang ang segundo't nag-sprint din papalapit sa kanya bago direktang isinuntok ang kanang kamao sa mukha nito subalit naiwasan nya rin.

I tried kicking him instead but he dodged once again, sabay magkapanabay na ipinabulusok ang dalawa pang buntot nito para tusukin ang magkabilaang leeg ko.

I crouched to dodge the attack at malakas na kalansing ang narinig nang ang mismong mga buntot lamang nya ang nagkatamaan sa isa't-isa. Sabay 'yong panghuling buntot nya nama'y diretsong bumulusok pababa sa bunbunan ko kaya't napilitan akong patalon na makaatras ng apat na metro at ang tanging lupa lamang ang nawasak no'n.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon