Chapter 68: "Northia City"

62 12 0
                                    

Chapter 68: "Northia City"

Teiro's point of view

ALL OF us are gathered at the Pier-side. Maraming rectangular containers na naka-hilera't dito kami tumambay ngayon para mag-usap-usap.

Pa-angat na ang araw nang mapansin naming papalapit na si Pheris kasama si Leonidas at Harmony dito. Kita ang pagod nila kaya't bumaba ako mula sa container at sinalubong sila. "Ayos lang kayo?"

Ngumiti sa akin si Harmony. "Ayos lang. Medyo delikado lang talaga ang daan namin kaya kami natagalan."

"Buti naman at ayos lang kayo." saad ni Indominus na nando'n din sa itaas ng container nakaupo.

Umungol si Nerfius at lumapit sa akin. I smiled caressing his chin. "Mabuti at ligtas kayo."

Lumingon si Leonidas sa direksyon ng isang tahimik naming kasama. Nakahalukipkip lang din itong nakaupo sa isa sa malaking container dito. "Natanggap namin ang mensahe mula sa pigeon tag ni Hezuya. Sabihin mo kung ano talaga ang kabuuang nangyari sa 'yo habang nando'n ka sa Frigg City mag-isa." it sounds more like an order imbes na pakiusap.

By the way, hindi kami pupwedeng bumalik sa city sa ngayon dahil malamang, may naghahanap na sa aming mga knights. Kung iisipin, ibang-iba ang kontinenteng ito kung ikukumpara sa naunang kontinenteng pinanggagalingan namin.

This place is full of high-ranking dogs with top-notch tracking abilities. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na makuha nila agad ang last location namin hanggang sa maabutan nila kami ngayon dito.

Hindi raw talaga tumatagal ang mga bigating wanted persons sa kontinenteng ito dahil sa usap-usapang 'yon.

Back to the main topic, Shadow explained everything he experienced inside the city. Mula sa pagkuha nya kay Silent bilang companion, ang pagpasok nya sa stadium, ang pag-alam nya sa sisidlan ni Nekuma sa isang metal cage, ang pagkilala nya sa apat na Founders, ang muli nilang pagkikita ni Alistair at ang deal na binigay sa kanya ni Edveron.

"Grabe, kung ako 'yon, baka naihi na ako sa pantalon sa sobrang takot." komento ni Indominus habang nanginginig. Sino ba namang hindi matatakot kung dalawa sa apat na founders ang makaharap mo at kahit anong oras, pwedeng-pwede ka nilang patayin.

"Hindi ka lang basta maiihi, siguradong mamamatay ka talaga kapag hindi mo taglay ang survival prowess ni Shadow." Hindi namin alam kung papuri o pananakot ni Leonidas ang mga sinabi nya.

"Ang mahalaga sa ngayon, nakaligtas sya," ani Pheris, tsaka nabaling ang kanyang tingin kay Leonidas. "Pero ang isiping naging miyembro na pala ng Knight Armies si Alistair, parang medyo nakakabigla naman yata ang bagay na 'yon di ba?"

Napasinghal si Leonidas bago ako nito lingunin. "Sa ngayon, wala pa tayong sapat na impormasyon kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sumali sa Knight Army ang lalaking 'yon. Ang importante sa ngayon ay kung paano natin mababawi si Nekuma mula sa Edveron na 'yon."

Tama sya. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari. Mula no'ng magkawatak-watak na kasi kami, pinili na rin naming maglakbay sa pansarili naming mga paraan. There's no point in arguing about what the others chose their lives to be in this world. Sariling interes at pamamaraan na nila 'yon at karapatan nilang gawin kung ano ang gusto nila.

"Pero kahit na gano'n. Parang nakakabigla at nakakalungkot pa ring isipin na magiging kalaban na natin si Alistair sa susunod na makita natin sya." sabi ko.

"Parang nasa movie lang ang ganitong eksena di ba." saad naman ni Indominus hanggang sa napabuntonghininga muli si Shadow.

"Nakakabigla. Maliban na lang sa ginawa ni Lucius na sumanib talaga sa masasamang faction para lang mas lumakas pa ang kapangyarihan at posisyon nya. Hindi ko sya mapapatawad kahit kailan dahil sa sya ang pinakaunang tumalikod sa grupo natin noon." may kasamang pagkuyom ng kamaong sabi ni Pheris.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon