Chapter 88: "Unspoken Hatred"

41 10 3
                                    

Chapter 88: "Unspoken Hatred"

Teiro's point of view

KEEPING A curtain of smoke to blind our enemies is the wisest move we can only do for now. Subalit sa sandaling mawala na ang epekto ng potion namin siguradong malalaman na rin nila ang kinaroroonan namin kahit nasa loob man kami ng usok.

Pagod man mula sa pagtakbo sa gitna ng makapal na usok na ito, hindi kami pupwedeng magsayang ng oras dahil tiyak mas mahirap lagpasan ang seguridad habang papalapit kami nang papalapit sa first gate.

Luckily, Harmony created a smoke potions before we all started this mission. Matalino at masipag talaga sya. She's always hiding initiatives from her which turns out napakalaking tulong ang naibibigay kahit hindi naman planado ang lahat ng kilos namin.

May mga plano syang hindi alam ni kahit isa sa amin at magugulat ka na lang na matutulungan ka na ng sariling kilos nya. Nakakabilib ang husay nya sa pag-aanalisa ng sitwasyon at kumilos ayon dito.

After a few minutes of running, natigil kami sa pagtakbo't sumenyas agad si Leonidas na umakyat kami sa puno. We did that in just a span of three seconds at nanatili sa sanga habang pinapanood ang paggalaw ng lupa sa aming ibaba.

Lumalabas ang sharp backbone scales ng isang higanteng halimaw na tila lumalangoy lang sa ilalim ng lupa na dumaan malapit sa amin. Hindi lang ito iisa kundi lagpas anim yata sila.

Hindi na namin ginustong alamin pa kung gaano ka-delikado ang mga ito dahil maingat at mabilis na rin kaming tumalon-talon sa mga sanga ng puno para makapagpatuloy sa aming paglakbay kasabay ang pagkalat pa rin ng makapal na usok sa paligid.

The second forest is undoubtedly the biggest part of the forest area around here. Halos mag-iisang oras na kami rito at hindi pa rin namin nararating ang dulo ng gubat. Inisip na rin naming baka naliligaw lang kami kanina pa, lalo na't ibinabase lang namin sa malakas na pang-amoy ni Nerfius ang first gate o ang pinakahuling tarangkahan bago namin marating ang pinaka-sentro ng gubat na 'to.

"Wait. Let's rest for a bit, shall we?" I beg them for a short break na kanila naman ding ginawa. Sakay-sakay ni Nerfius si Harmony sa likod habang si Leonidas ay nasa kabilang sanga ng puno't nagtaka akong nilingon. Though I couldn't see them clearly dahil na rin sa usok.

"What's the matter? Sa ating tatlo dapat ikaw ang pinaka-pursigidong iligtas ang pusang 'yon di ba? Bakit yata parang ikaw pa ang unang susuko rito?"

"That's not what it meant when I told you to stop." I defended myself bago inilibot ang paningin. "Look around. Parang wala na tayo sa tamang daan."

"Nerfius is good at tracking things when I told him to. We should just trust him."

"But we are almost out of time already." saad ko pa. "May kulang-kulang sampung minuto na lang tayo bago maubos ang potion effect. Kapag nangyari 'yon, mawawala na ang cover natin at siguradong magmumukha na tayong hubad kapag naramdaman ni Chrolov ang presensya natin. Isa pa, hindi na rin tayo maitatago ng usok na 'to kapag bumalik na tayo sa dati nating anyo."

"Mukhang may punto naman si Hezuya, captain." sabat ni Harmony.

"Kung wala na tayong oras, bakit mo pa itinigil ang pagtakbo? Baliw ka na ba?"

"Because we are out of the road. Palagay ko, paikot-ikot lang tayo sa gubat kaya hindi natin mahanap ang first gate." paliwanag ko.

"Pero hindi naman pupwedeng magkamali ng pag-amoy si Nerfius. May tiwala ako sa kanya."

"Posibleng nalito lang ang pang-amoy nya sa napakaraming bagay na nandito sa gubat na 'to." saad kong muli. "Kung tama ang suspetsya ko, maraming halaman ang tumutubo rito para lituhin ang mga nilalang o kahit man tayo na malito sa daang dapat nating tatahakin. Hindi masyadong halata pero kanina pa tayo niloloko ng pandama natin."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon