Chapter 7: "The Mission I Accepted"

362 48 2
                                    

Chapter 7: "The Mission I Accepted"

Teiro's point of view

AS THE crowd starts gathering around, may isang handrail akong napansin sa gilid ng isang street light.

It's not that tall so I managed to sit atop it and watched everyone around. Nasa ulo ko pa rin ang pusang ito at mukhang gising na gising na ito ngayon.

"What do you want? Gusto mo na bang umalis ngayon?" Nagbabaka-sakali akong sasagot ito ng matino na maiintindihan ko.

"Meow~" Of course, It will not! Masisiraan yata ako ng bait kakaintindi sa pusang 'to.

Nalipat naman sa stage ang aking atensyon nang may malakas na presensya akong naramdaman mula rito.

A red haired guy stood tall infront of that stage. May suot-suot itong sombrerong itim din. Isang itim na coat at pants. Isa syang Human tamer at may dalawang espadang naka-attached sa likod nito.

"Mukhang malakas sya."

"Level 21 na sya? Grabi. Ang bilis naman yata nyang nakaangat ng level."

"Balita ko, nakipaglaban sya ng sunod-sunod sa mga Crawlers na umatake sa South village kung saan sya no'ng nangyari ang sakuna."

"Hindi maikakailang magaling sya."

"Kung gano'n man. 'Wag nyong sabihing nakipaglaban din ang batang 'yan sa mga Crawlers? Mas mataas ng siyam ang level nya sa 'tin oh."

Rinig kong komento nang iilan na nakapalibot sa akin. Base sa pagkakaintindi ko, nadamay pa ako sa usapan nila. 'Yong taong pinag-uusapan nila sa entablado ay napaka-astig talaga ng dating nya. 'Yong tipong sikat na sikat at kahit saang lugar pumunta, makukuha at makukuha nya talaga ang buong atensyon mo.

I can't take my eyes off from him. Para bang nakakaakit ang presensya nya. Sobrang taas siguro ng charisma nito.

"That guy is Phoenix."

Hindi ko napansing may katabi na pala ako, at tsaka ko lamang ito namalayan no'ng magsalita sya bigla.

I'm wondering who's he talking with? Ako ba? No. I guess.

Binalik ko sa harap ang tingin. But something is weird. Parang nakakatakot na pakiramdam.

Parang umiinit bigla ang katawan ko lalong-lalo na sa leeg. At nang malingon ko muli ang lalaking katabi kong nakaupo rito. Nanlaki ang mata ko nang mapansing nakatitig na pala ito sa akin.

I almost jumped out from where I am sitting dahil sa sobrang pagkagulat. "What's wrong?" He's talking to me? At may kunot-noo pa ang mukha nitong nakatitig pa rin sa 'kin.

"Normal lang ba sa 'yo ang manakot ng tao?!" I asked in a hysterical tone while keeping my self a little gap from him.

Pero mas lalo lamang yata itong nalito. Hindi sya umimik ng ilang segundo. Para bang nag-iisip ng isasagot. Or hindi nya lang naintindihan ang sinabi ko.

"I understand if that's your impression to me. I'm just a stranger to you after all. Well then, see you 'round." At tumayo na ito mula sa pagkakaupo't nakapamulsang naglakad palagpas sa mga tao. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa ito'y tuluyan na ring mawala sa aking paningin.

I left out a deep sigh. Ang weird ng taong 'yon ah. Sa napansin ko halos magkasing-tangkad lang kami. Demon tamer sya. May kunting pares ng sungay sa ulo at medyo magulo rin ang itim nitong buhok na lagpas hanggang kilay.

Hindi ko alam pero madali ko lang name-memorya ang mga bagay-bagay kaya't bukod 'don, napansin ko rin ang pulang kulay na mata nito. Itim na polo at pants pati boots. Tsaka may dagger sa likuran ng baywang nya.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon