Chapter 55: "How?"

51 15 0
                                    

Chapter 55: "How?"

Teiro's point of view

Muli akong nakarating sa tuktok at nabaling ni Leonidas sa akin ang kanyang tingin. "How was it to your side?"

Umiling naman ako. "Mukhang natyambahan lang yata talaga na nahanap ko 'yong isa sa Golden horned beast." dito sa pwesto kung nasaan nakaupo si Leonidas, kita ang lugar ng syudad na hindi gaanong kita ng mga matataas na lugar. Naisip naming baka rito nagtatago 'yon kaya't naisip nyang dito pumwesto.

"Nasaan na si Nekuma?"

"Naghiwalay ulit kami ng daan. Inutusan kong maghanap sa paligid." napakunot ang noo ko. "bakit hindi ka yata naghahanap? Wala na tayong oras para tumunganga lang dito kailangan mo na ring kumilos agad."

"Ang ingay mo." mabilis na tugon lang nya na halos ikaputok na ng ugat ko sa noo.

"Kung ayaw mong mapagsabihan, sumunod ka naman kasi kahit minsan." bulyaw ko rito.

"Bakit? Sinunod naman kita kanina ah. Kung hindi mo sinabing sirain ko ang game hinding-hindi ko pa papatulan ang mga lokong Pine Devils na 'yon." may halong pagmamayabang na saad nya.

I folded my arms while standing beside him. "Yeah. Nakakagulat ngang sumunod ka."

"O diba?! Tapos ngayon sesermunan mo na naman ako dahil pasaway ako? Hindi ikaw ang captain dito para malinaw okay?"

"Vice-captain ako."

"Hindi ako nagbigay ng ganyang posisyon sa 'yo."

"Hindi nga. Mga kasama natin."

By a sudden wave to my ears para akong nabingi saglit dahil sa matinis na tunog nito. This is the signal I guess.

"Anong problema?" tanong ni Leonidas.

Tiningnan ko sya habang nakatakip sa tainga ko ang isang kamay. "Looks like he found something."

"Which way."

"Run down that street mga halos hundred meters--!" hindi na nya ako hinintay matapos at mabilis na tumakbo paibaba sa tinuro kong kalsada.

We have lesss than three minutes remaining to hunt down the three missing golden horned beasts kaya't naiintindihan ko ang pagmamadali nya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa gulat na lang din kaming natigil sa pagtakbo nang mabasag ang window glass sa fifth floor ng building malapit sa pwesto namin.

Bumaba roon si Nekuma na may karayum na nakatusok sa isang binti kaya't inakay ko agad ito't tinanggal ang bagay na 'yon bago sya pinainom ng antidote.

Mula sa katabing bintana nabasag din 'yon sabay labas ng isang dambuhalang ahas na kulay itim at may kulay gintong sungay sa noo. Halos kasing lapad lang ng katawan ko ang ahas na 'yon na may habang aabutin ng sampung metro.

"Ayon sya!" sigaw ko't walang pagdadalawang-isip naman si Leonidas na sumunod sa direksyong pinag-takbuhan ng dambuhalang ahas. Nekuma recovered after a few more sip from the antidote kaya't tumakbo na rin ako pasunod kay Leonidas.

Two minutes and 2 seconds na lang.

Mabuti na lang at na-corner ito kaagad ni Leonidas sa isang masikip na eskinita habang ako'y hingal na huminto sa rooftop side habang dinudungawan ang mismong ahas na 'yon.

Inakma kong talunin ang distansya pababa para sana pugutan ang leeg ng ahas dahil hindi pa ako nito napapansin. "Meow~" but Nekuma suddenly clawed my nape dahilan upang mapatingala ako't napahiyaw sa sobrang sakit.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon