Chapter 9: "Backward or Forward"

326 47 6
                                    

Chapter 9: "Backward or Forward"

Teiro's point of view

MULI KAMING nagpatuloy sa paglalakad.

Iilang small monsters din ang humarang sa daan ngunit dahil angat na kami ng ilang levels sa mga ito, hindi na na namin naging problema ang talunin sila.

Siguro 'yong Spider-Snake lang talaga ang delikado sa bandang ito ng gubat.

"'Wag kayong makampante, hindi natin alam kung anong mga halimaw pa ang nakatago sa gubat." palaging paalala ni Phoenix sa 'min.

Tirik na ang araw nang magpasya kaming tumigil muna sa isang tabing ilog at doon saglit na magpahinga.

Ilang minutong lumipas, tinuloy na namin ang paglalakbay. Dahil mukhang malapit na ang susunod na town kung saan kami papunta.

Kalahating oras yata ang tinagal, at sa wakas, narating na rin namin ang Croviel Town. 'Yon ang basa namin sa nakalagay sa bandang itaas ng gate nito.

"Sa wakas, nakaalis din tayo sa gubat na 'yon. Akala ko talaga katapusan na natin no'ng magpakita ang Spider-Snake." Buntong-hininga ni Kane. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa isang bench.

"Lilibot lang kami sa ibang store, sabi nila may murang mga weapons at potions dito. Kung may iba kayong gagawin dapat kumilos na rin kayo. Magkita tayong lahat sa entrance ng town in 15 minutes." Sambit ni Phoenix at umalis kasama si Pheris.

"Hoy. Ikaw. Saan ka?" Napansin yata ni Phoenix si Leonidas na naglalakad mag-isa.

"Do'n na ako maghihintay sa entrance." Walang lingon-lingon itong sumagot sa kasama habang nakapamulsa.

"Hindi ka man lang ba bibili? May murang gauntlet sila rito." Pahabol pang tanong sa kanya ng lider.

"Kapag mura, ibig sabihin madaling nasisira at maliit ang damage. Salamat na lang."

"Hoy. Tumingin ka naman dito kapag nakikipag-usap." Halatang malungkot si Phoenix pero bagot din ang mukha.

"Whatever. Maghihintay lang ako sa entrance."

"Hay. Bahala ka na nga." Phoenix is stress with this guy. Pero alam naman naming close talaga silang dalawa.

Hindi man nila 'yon pinapakita sa iba, alam kong malakas ang koneksyon nila sa isa't-isa at nagagawa agad ang mga bagay na parehong gusto nila.

Mababait at malalakas ang seniors namin.

Hindi ko lang alam . . .

. . . kung tatagal ito hanggang sa huli.

"Hoy." May pumukaw sa atensyon ko kaya't nabaling agad ang aking tingin sa gilid. Nakatayo mula roon si Alistair. "Gusto mong sumama? Bibili ako ng bagong dagger."

Saglit kaming nagkatitigan. Hindi ako makapag-react agad kapag kausap ko ang taong 'to. Hindi ba ako nasasanay na may nakikipag-usap sa 'king ibang tao?

"Pero sabi ni Leonidas, kapag mura madali lang masisira 'di ba?"

"Basta sumama ka na lang." nagulat ako nang hinawakan nito ang wrist ko at hinila na ako paalis.

"T-teka lang. Hindi nga ako bibili." tanggi ko rito pero hindi nya ako pinapakinggan.

Nilingon ko sa Kane sa bench pero halatang tulala lang sya ro'n. Sobrang lalim bigla ng iniisip.

Tumunog ang bell sa itaas ng pinto nitong shop nang makapasok kami ni Alistair.

Nilibot saglit ang paningin hanggang sa natigil din kami sa isang spot at nagulat sa aming nakita.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon