Chapter 28: "The Two-Men Faction Assembled"

118 20 2
                                    

Chapter 28: "The Two-Men Faction Assembled"

Teiro's point of view

I KNOCKED three times and waited for an answer.

"What's wrong?" Leonidas shouted from inside the room.

I'm infront of his door. I cleared my throat. "Pwede ba akong pumasok?" I asked for his permission.

It took a single second of silence before he answered back. "No. Go away." Nagulat ako. "I'm not in the mood to talk with someone right now. Maybe tomorrow."

"Pero. Gusto nila ngayon na." saad ko't tinulak na ang pinto papasok. Nakita kong madilim ang loob. At tanging ang sinag sa labas ng porch ang tanging nagbibigay direksyon sa aming mata na makita si Leonidas na nakatayong nakasandal doon. His back is on us.

Nasa likuran ko lang ang mga kasama ko. We talked a little from the living room at nagdesisyon na ipaalam itong lahat kay Leonidas ngayon. Bago man lang sila umalis.

Nagsipasok na kami, with me on the lead. The cat is still sleeping inside my bag. I wonder why. Keeping that aside - na hindi ko naman alam kung ba't ko pa isiningit 'yon, "Why are you all here? And I didn't recall allowing you all from coming inside." humarap sa amin si Leonidas, half-burned cigarette and sighing the white smoke out of his mouth.

"I tried to tell them na bukas na nga ito gagawin pero nagpumilit pa rin sila." I answered. I looked to my side where Pheris is standing, head staring on her feet. "And Pheris wanted to talk with you about something too. Importante lang talaga."

She's too shy to look at Leonidas. Kaya't ako na ang nagsilbing tagapamagitan nilang dalawa. Pansin kong nakatitig na rin ang kalmadong si Leonidas dito at muling nilagay sa bibig ang dulo ng sigarilyo nya. "If she wants to talk to me, bakit hindi sya ang mismong magsalita?" he's talking to me but his eyes are directly pointing at the girl beside me.

Kumuha ng sapat na lakas ng loob si Pheris bago inangat ang mukha't direktang tiningnan si Leonidas.

"Aalis na ako."

"Why?"

Natigil bigla si Pheris dahil lang sa nag-iisang tanong na 'yon. Parang nasamid sya agad sa gano'n ka-simpleng tanong lang.

"Ah. Kasi. Basta. Aalis na ako."

"Saan ka pupunta?" Leonidas asked her again without cutting his stare off of her. "Sa Central Square ka na mananatili?"

"Oum. Do'n nga." she nodded with a tight smile. Pheris is having an innocent smile but Leonidas is still calm and emotionless.

"Titiwalag ka na rin ba sa grupo?" After a little time of silence itinanong din 'yon ni Leonidas sa kanya.

That time, she finally looked away and that innocent smile faded and have been replaced with a sad one. "Para kasing hindi ko na kayang manatili pa. Hindi sa hindi ko kayo gustong makasama pero. Gusto ko lang mapag-isa muna at kalimutan ang lahat na nangyari rito."

"The same for me." Maximo butted in.

"Gano'n din ang nararamdaman ko." seconds later, nagsalita rin si Alistair and Leonidas stared at both of them without saying anything.

Then lastly, nagbuntong-hininga si Kane at nakayukong nagsalita. "Titiwalag din ako sa grupo. Sumali lang naman ako rito dahil akala ko talaga makakalaya na tayo pagkatapos ng misyon pero, mukhang talo tayo saang banda pa man natin tingnan."

"I see." Leonidas did stare at him with a simple nod. And then sa akin na nalipat ang tingin nya. "So I presume you'll say the same too. May mga sapat na tayong gold coins para maglakbay mag-isa. Kaya hindi na ako magtatakang gusto nyo nang bumalik sa pagiging solo player. No offense by that. Masaya kami ni Pheris at ng captain na lumakas at nagkaroon kayo ng ganitong gold supports at experience. Nakatulong kami kaya hindi na namin pagsisisihan ang desisyon nyo."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon