Chapter 29: "Town Tournament"

118 20 3
                                    

Chapter 29: "Town Tournament"

Teiro's point of view

TWO WEEKS had already passed.

Since na nabuwag ang grupong 'yon dahil sa magkakaibang interes ng bawat isa, nagsimula kami ng panibagong paglalakbay ni Leonidas ng kami lang dalawa.

We used all our possessions, para makabili ng mga bagong armas at armors. Ginamit din namin 'yon para bumili ng isang sariling hideout Inn na nagkakahalaga ng 120,000 gold coins.

Tawad na nga 'yan pero dahil nga may Faction na kami - na kami lang din naman ang miyembro, naisip naming bumili na rin ng Faction hideout.

Located ito sa Monorel Town. Malapit sa isang watch tower bandang kanluran ng lugar. Sa lahat ng For Sale Inns, ito lang din kasi ang nakita naming mas mura kaysa sa ibang lugar, maganda ang interior at secured din talaga.

Tatlong small towns lang ang layo nito mula sa Central Square. Pero hindi kami pupunta ro'n. We have more important objective for today kaya't walang oras para bumisita sa dating kakilala.

I yawned as I locked the main door of our hideout from outside. Sinuksok sa pantalon ang susi nito't binaybay ang daan papunta sa isang pamilihan.

Parang alas-sais pa lang ng umaga ngayon. Hindi ko alam kung ano na bang oras sa totong mundo. Not that I care about it.

Medyo marami-rami na rin akong players na nakakasalubong at wala na talaga akong nakikitang level 15 players pababa.

Bali-balita kasi. Na wala na silang lahat ngayon. Hindi nakahanap ng companion, or namatay sa gitna ng gubat. Or much worst, na-hunting ng ibang factions.

Factions versus factions. Players versus players.

Nababaliw na ang mga taong 'to. Imbes kasi na magtulungan para matalo ang natitirang eight lives ni Orikia, nag-uunahan ba naman sa tuktok para lang makakuha ng malakas na kapangyarihan.

Sinunod talaga nila ang sinabi ng game.

Na magpatayan kayo para maging pinakamalakas ang mananalo at maghahari mundong ito magpakailanman.

Ilang lakaran at liko, narating ko rin ang pamilihan. Pagkatapos kong makabili, bumalik na rin ako sa dinaanan ko.

Hawak-hawak ang dalawang supot, isinablay ko ito sa wrist at nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa habang naglalakad.

Nakasuot ako ng dark jacket. Sablay ng naka-exis ang dalawang espada sa likod na mula pa kay Phoenix. Hindi ko ito ibinenta o itinago.

I thought of giving it to Leonidas ngunit tumanggi lamang sya. Hindi nya naman ito magagamit sabi nya, same with Pheris so nagpasya akong gagamitin ko na lang ito at gagawin na main weapon ko.

Hindi masamang ideya ang double sword wielder na gaya ko dahil isa naman akong assassin. It looks fitting for me, na ako lang din naman ang nag-iisip kaya't ipi-nush ko na lang ang sariling gamitin ito.

Nakabalik ako sa Inn pero pansin kong tahimik pa rin. Alam ko namang may susi rin sya pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakabalik?

May araw na pero walang Leonidas akong nasilayan saang sulok ng Inn. Even the two animals are not here. Ano bang nangyayari sa tatlong 'yon?

Nanatili na lang ako sa may porch ng second floor nitong kwarto. Umaasang makikita ko sila pero, mukhang wala talaga.

"And now! For the last match of the tournament. Introducing, from my right, with an extraordinary punching power, Leonidas! Versus! . . . The Town tournament three-rows defending champion, and one of the Croosevent faction! Ironclad!"

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon