Chapter 58: "Official Faction"

78 15 3
                                    

Chapter 58: "Official Faction"

Third person's point of view

ANG MAGULONG syudad ng Central Square ay mas umingay pa't naging mas delikado dahil sa walang tigil na paglilibot ng mga knight soldiers ng Greneed para lang hanapin ang dalawang taong humamak sa tatlong kasamahan nila.

"Suyurin nyo lahat ng pupwede nilang maaaring pagtaguan!," walang tigil namang utos ng kanilang platoon commander sa marami nitong mga tauhan. "Don't left any stone unturned!"

Sa gitna ng kanyang mga utos, isang knight patrol captain ang lumapit at yumuko mula sa kanyang gilid. "The whole city is already anxious by this type of search, commander. We've already search almost half of the city but no encounters came from those two anymore."

The commander was left with no choice but to think of another move in this situation.

"If we keep doing this, we'll eventually lose the hope of finding them anymore. I'm sure those two already left the city so we have no other choice but to go searching for another leads." saad ng nakayuko pa ring knight patrol captain.

Mahigpit na napahawak sa barandilya ng kanyang sinasakyang karwahe ang komander bago nilibot ang tingin sa paligid tsaka ibinalik sa patrol captain na 'yon ang tingin. "Very well, then. Let's move out!" sinara ng komander ang karwahe't nauna ng umalis sa syudad.

Hologram orders ang lumitaw sa harap ng bawat isang knight patrols na nakakalat sa syudad ang nakatanggap ng bagong utos mula sa commander dahilan para nagmadali na rin silang umalis at naka-hilerang umalis kasama ang iba pang nasa gilid na mga horse-rider knights.

Puro bulungan ang mga tao sa paligid habang pinapanood na umalis sa city gate ang mga ito.

Mula sa isang sulok ng isang potion market, nakatayo ang tatlong players na may badge sa kani-kanilang mga berdeng kapa. Ang pang-apat na lalaki'y nakaupo sa isang tuwad na trash bin na tila itinatago ng tatlo nitong kasamahan mula sa mga tao.

Maitim ang bagsak nitong buhok na natatabunan ang kaliwang mata. Berde ang kapang suot nito't itim naman ang inner sleeve at pants. Rare type silver boots ang gamit at isa syang axe-swinger player. Isang swordsman type player.

Walang iba kundi ang merciless axe-captain ng Bleeding Blade faction. Si Axer. Kailanman, hindi sya nakita sa publiko. Tahimik lang sya pero kapag natipuhan ka ng mga mata nya, tiyak 'yon na rin ang magiging katapusan mo.

Mahilig sya sa torture killing. Isang psychopath na matalino't mapangduda. Marami na syang biktima, mga babaeng players na kinidnap, mga mas mahihinang players na nag-iisa. Kahit mga beast na walang kalaban-laban, basta't kahit anong nilalang na may buhay pwede ka nitong mapahamak.

Isang lalaking kasamahan nila ang lumapag mula sa bubungan na lumuhod sa harap ni Axer. "Ligtas na po ang paligid, captain. Mukhang tuluyan na ngang sumuko ang mga knights para hanapin ang mga kriminal na nandito sa syudad. Pwede na po tayong manugis ulit ng biktima."

Ngumisi si Axer at tumayo sa kanyang inuupuan. Mula sa siwang ng nakaharang na kanyang mga tauhan, nandidilat ang mga mata nitong pinagmasdan ang mga tao sa kanyang paligid. Halatang naaaliw sya.

"Tama ka. Gusto kong manugis ng mga biktima ngayon," saad ni Axer. "Buong akala ko kasi kanina, ako ang hinahanap ng mga knights dahilan para mag-alala ako ng kunti."

"Pero hindi naman kayo ang kanilang pakay."

"Tama, tama." sang-ayon ni Axer. "Gusto kong malaman kung sino ang mga taong tinutukoy nila sa wanted posters na 'yon."

"Sa pagkaka-alala. Harmony na may isan-daang milyong gold coins ang pabuya, Hezuya at Leonidas ang may tig-lilimampung milyon namang pabuya." isang tauhan nya ang nagsalita.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon